Advertisers
Tapos na ang mahabang selebrasyon nating mga Pinoy sa tradisyunal na “holiday season”.
Ika nga,it’s time for serious business lalo na sa pambansang kapulisan.
Remarkable ang naging tahimik at maayos na sitwasyon ng bansa sa panahon ng Kapaskuhan at pagpasok ng Bagong Taon.
Pasado ang performance ng PNP at siyempre ni PNP chief, Gen.Rodolfo Azurin Jr.
A snappy salute to Gen.Azurin and his officers & men.
Pero sabi nga,there is always two sides of the story.
Kung merong kabutihang nagawa,meron ding kapalpakan.
Pero this time,nangibabaw talaga ang mga kagandahan at mabuting nangyari.
Puna lang natin, TILA binigyan ng bonuses ni Azurin ang kanyang mga field commanders ( meaning RDs, PDs and even chiefs of police) na maging maluwag sa lahat ng URI ng illegal gambling activities.
Mula sa hampas-lupang sugal lupa na color games at drop ball hanggang sa kontrobersiyal na e- sabong at pamosong jueteng.
Kapuna- punang TILA organisado ang lahat ng illegal gambling operations.
Smooth sailing na halatadong may kumukumpas.
In short,timbrado ito at di guerilla operation.
Lantaran at talagang daring as in open talaga.
Kung ganito ang senaryo,marami ang nabusog at nabundat sa intelihensiya o payola sa hanay ng PNP that may include the chief PNP himself,Gen.Azurin.
Kaliwa’t kanan kasi ang pasada ng mga tinaguriang designated bagmen ng PNP.
Parang mga basurero na panay hakot ng basura.
Ang kaibahan lamang ng mga mga “kolektong”, sandamukal na kuwarta ang hinahakot ng mga ito!
Isang nagdudumilat na halimbawa ay ang sa probinsiya ng Rizal na kung saan ang PNP Provincial Director ay si Colonel Dominic Baccay.
Kakaiba ang appetite nito pag dating sa “Intel”.
Sabi nga mismo ng kanyang sariling mga tauhan…
Sobrang buwakaw daw ng mama pagdating sa pera!
Parang gutom na gutom sa intelihensiya.
Pati cara y cruz ay gustong tarahan.
Hingian ng lingguhang timbre.
Matindi ang mga pasugalang nasa AOR ni Baccay gaya ng nasa Antipolo,Taytay,Montalban at Tereasa,matitikas at matatapang ang operators nito.
Wag ka, pangalan mismo ni PD Baccay ang kanilang password sa iba pang miyembro ng kapulisan at awtoridad.
Kung ordinaryo kang pulis na sisita sa operasyon ng iligal na sugal sa Rizal ay mapapahiya ka!
Maangas,siga at walang kinakatakutan ang mga operators ng illegal gambling.
Si Col.Baccay ang kanilang ipinagmamalaki.
Si PD Baccay daw ang kanilang padrino at backer.
Sa street at police parlance,si Baccay ang PATONG nila.
Bakit nga ba TILA super bagyo ang dating ng pangalan ni Baccay sa illegal gambling communities ng Rizal?
Dahil sa umano’y sadyang moog na bato (solid rock) raw talaga sa PNP at sa DILG itong si Baccay dahil kumpareng putik ni DILG Sec.Benhur Abalos.
Weeeh!
Totoo ba naman ba?
Kaya naman pala kahit sa mga miyembro ng media ay malatuba, may angas at yabang itong makisalamuha.
As if,isa itong royal blood o dugong bughaw na napakaliit ang tingin sa mga taga- media.
Pwe…
Kung di ko pa alam, payola lang ang nagsisilbi mong vitamins o spinach.
Parang si Popeye lang, ubod ng takaw sa spinach.
But para naman sa mamang opisyal,spinach means TIMBRE!
Paging Sec.Benhur Abalos, totoo bang ikaw sir ang Ninong nitong masibang opisyal kaya kahit si Gen.Azurin ay di kayang sibakin ito at itapon sa Mindanao?
Paborito pala ni Sec.Benhur ang mga taong matatakaw as in ” MASISIBA”!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com