Advertisers

Advertisers

Ponggay Gaston lumagda sa Chery Tiggo

0 149

Advertisers

LUMIPAT ng bagong club ang open spiker na si Ponggay Gaston bago ang 2023 Premier Volleyball League (PVL) season,matapos lumagda ng kontrata sa Chery Tiggo Crossovers.

Inanunsyo ng club ang pagdating ni Gaston New Years Day, matapos umalis ni veteran Dindin Santiago Manabat sa team.

Si Gaston ay naglaro ng apat na conference sa Choco Mucho Flying Titans kung saan naglaro kasama ang kapwa Ateneo Blue Eagles alumni gaya nina Bea de Leon,Maddie Madayag, at Deanna Wong.



Ang Crossovers ay nagtapos fourth sa 2022 PVL Reinforced Conference na pinagharian ng Petro Gazz Angels.

Samantala, ang Flying Titans ay hindi nakarating sa playoffs.

Si Gaston ay gagawin ang kanyang debut para sa Crossovers sa Open Conference ng 2023 season na nakatakda sa Marso.