Basahin! Baka kamag-anak n’yo sila! P142.5m+ Grandlotto jackpot nadale ng taga-Laguna at Cagayan de Oro
Advertisers
DALAWANG mananaya ang maghahati sa Grand Lotto 6/55 jackpot na P142,580,483 nang tamaan ng mga ito ang winning combination 44-13-19-33-27-39 sa bola nitong Sabado ng gabi.
Ang winning tickets ay binili sa Calamba City, Laguna at Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) advisory nitong Linggo.
May palugit na isang taon para sa pagkuha nila ng kanilang tseke sa PCSO main office sa Mandaluyong City. Dalhin lamang nila ang winning tickets at dalawang identification cards.
Ang mga nanalo ng mahigit P10,000 ay mayroong 20-percent tax.
Ang 6/55 Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.