Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
ITINANGGI ni Gerald Anderson na secretly married na sila ng girlfriend na si Julia Barretto, gaya ng hinala ng ilang fans at netizens.
Napansin kasi ng netizens na nag-celebrate ng Christmas and New Year`s Eve si Gerald sa pamilya Barretto kaya ang tanong nila ay kung mag-asawa na raw ba ang dalawa.
Sa naging panayam ng ABS CBN News kay Gerald ay hindi nito naiwasang matawa sa tsismis. Hindi raw niya magagawang itago sa publiko kung kasal na sila.
“Come on, guys, I wouldn`t ano, hindi ko gagawin sa inyo `yan. Pag dumating tayo diyan, it`s nothing to hide, di ba? At saka hindi na ako sa edad na yun,” natatawang say ni Gerald.
“It`s not true, “pagtanggi pa niya.
Pero aminado naman siya na si Julia na ang, “the one” para sa kanya. And if ever ay gusto niya raw kaagad magkaroon ng pamilya.
“Is she the person? Yeah! But you know, knowing me, `pag nangyari yun, I wanna start a family right away, gusto ko tuluy-tuloy na,” aniya.
Pero bago raw ang lahat ay gusto muna niyang masiguro ang future ng kanyang magiging pamilya.
“I`m in a position na I know na kahit anong mangyayari, maging settled yung family ko, We`re almost there, but you know, ano pa, just a little more, konti pa,” aniya.
***
Igan Cup muling raratsada
Ang longest celebrity golf tournament ay muling nagbabalik na inorganiza ng multi awarded broadcast journalist na si Arnold “Igan” Clavio, the Founder/President of Igan Ng Pilipinas Foundation, Inc.
Ang 19th Igan Cup ay ginanap last August 8, 2022 sa Eastridge Golf and Country Club in Binangonan, Rizal, na successful ang tournament at 217 golfers ang lumahok.
Ang lahat ng golfers na sumali aysinalubong ng lootbags, giveaways, and raffles prizes, vigorous host, acoustic live band, and deliciously dinner buffet.
Yearly ay dinadaos ang Igan Golf Tournament pero natigil dahil sa pandemic na dinanas ng bansa. Ngayon ay muling aarangkada ang Igan Golf Tournament dahil na rin sa request ng mga professional at non professional golfer.
Take note, hindi basta golfer ang sumasali at lumalahok dahil nandiyan ang mga sikat na golfer na naging champion na rin sa ibang bansa at mga sikat na celebrity na mahilig maglaro ng golf.
Bukod sa Igan Golf Tournament ay tumutulong din si Igan sa mga kabataan na may mga diabetis at lahat ng kailangang gamot at bayarin para sa pagpapatingin ng mga kabataan ay sagot ng Igan Foundation.
“Alam ko ang hirap ng may sakit ng diabetis. Ang gastos at kung wala kang pangastos sa araw-araw panlunas sa sakit ay napakahirap,” say ni Igan.