Advertisers

Advertisers

GOV. AGCAOILI, KAWANGGAWA AT SPORTS PROGRAM

0 337

Advertisers

TUNAY na kakambal ni CLR XLV Governor Rafael Agcaoili ang kawanggawa sa kapwa.

Hindi niya kayang tiisin na makita ang kababayang nagdurusa dulot ng kalamidad( manmade man o hagupit ng kalikasan),krisis sa kabuhayan at kalusugan( epidemya maging hanggang pandemya),kailangan niyang tumulong sa abot ng makakaya.

Si Gov.Agcaoili na isang matagumpay na negosyante,pilantropo,sportsman at kingmaker ay tatak na ang pagiging matulungin kung saan ang ‘charity’ ay kanya nang taglay na iaalay sa mga higit nangangailangan ng agarang tulong lalo na ang mga apektado ng anumang parwisyo sa tao at delubyo.



Kahit naman walang masamang pangyayari sa ating pamayanan ay naroon parati ang diwa niyang makatulong sa kapwa tulad ng pagkakaloob ng livelihood para sa ‘less fortunate’ nating kababayan mula sa mga maralitang taga-lungsod hanggang kanayunan gayong hindi naman siya tradisyunal na pulitiko na bawat tulong ay may hinging kapalit na boto.

Katunayan ay isa siya sa mga kingmakers at staunch supporter ni PBBM at VPSara partikular noong kampanya ng Uniteam pero di siya naghangad ng anumang puwesto kapalit ng kanyang sakripisyo dahil alam niyang ito ay serbisyo para makabangon ang mga Pilipino.

Tuloy sa paglago ang kanyang mga itinatag na negosyo at higanteng proyekto na nangangahulugan ng hanapbuhay para sa mamamayan at pag-angat ng ekonomiya ng bayang sapol ng kanyang project infrastructures,cooperatives atbp.

Dahil sa isa siya sa mga namumuno ng tanyag sa bansang ‘The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles)bilang Governor ng Central Luzon Region XLV ay laging kaakibat ang humanitarian cause na medical at feeding programs na nakakalendaryo na sa buong taon.

Ang korner na ito ay karaniwang UPPERCUT ang birada pero ngayon ay SALUDO ang ating pugay sa isang magiting at energetic na civic leader par excellence Gov .Agcaoili na nakawiwiling ipabatid sa madla ang adbokasiya niyang kawanggawa sa kapwa di ba Kuya CLR XLV Vice Gov.Edwin Salve?HATS OFF!



Lowcut: Special acknowledgment ang mensahe ni Governor Rafael kay National President Nelson Sarapuddin.Happy long b-day celebration kay Agila Greg ‘Barry Agpoon from Gov.,Vice,very good friend businessman/ contractor Tariq Butt,Agila na sina bros Ding Agpoon ,Charles Agpoon at karateka Oca del Rosario.Happy Barry Day!

Kasama na rin sa programa ni Gov ang handog sa mga kabataan na pagdaraos ng SPORTS (basketbal,volleyball,table tennis,baseball/ softball at chess)pati ARTS clinic na pangangasiwaan ng GILAS sa suporta ni Japanese Keiji Katayama (Ph baseball coach/ consultant) -founder ng Katayama Baseball Academy,martial arts clinic( kickboxing at karate) sa timon nina Master Barry at medalist Oca at singing contest sa kumpas naman ni singing Vice Gov .Edwin.HIGH FIVE CLR XLV!!!