Advertisers

Advertisers

Marcos tutulak sa Switzerland para sa WEF

0 156

Advertisers

Tutulak si Pangulong Marcos sa Switzerland sa susunod na linggo para dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos sa Enero 16 hanggang Enero 20.

Ito na ang ikap-walong biyahe niya sa ibang bansa mula nang manungkulan siya noong Hunyo 30 noong nakaraang taon.

Magiging pangalawa ang kanyang paglalakbay sa Switzerland ngayong buwan, pagkatapos ng kanyang tatlong araw na state visit sa China noong nakaraang linggo.



Sinabi rin ni Marcos na lilipad siya sa Japan sa Pebrero sa imbitasyon ni Punong Ministro Fumio Kishida.

Ayon sa Pangulo, ipinaabot ng kanyang Japanese counterpart ang imbitasyon nang magkita sila sa sideline ng United Nations General Assembly noong Setyembre ng nakaraang taon.

“I think the tentative date is around the second week of February,” aniya sa isang press briefing sa Beijing noong Huwebes bago bumalik sa Manila.

Sinabi ni Marcos na kabilang sa kanyang agenda sa Japan ang pagtalakay sa ekonomiya at panrehiyong seguridad.

“The Philippines is seen as an important part of maintaining that security in partnership with friends and partners like Japan and the other countries around the Indo-Pacific, Asia-Pacific region,” aniya.



Sinabi ng Pangulo noong Nobyembre ng nakaraang taon na inimbitahan siya ng tagapagtatag at executive chair ng WEF na si Klaus Schwab sa forum ng Davos.

“So I am undecided yet. It’s traveling too much. That’s already the end of January,” nauna niyang pahayag.

Naalala pa ni Marcos ang kanyang ina, ang dating unang ginang na si Imelda Marcos, na nagtanong sa kanya: “When do you go to the office?”

Sa kanyang paglahok sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok noong nakaraang taon, sinabi niyang inimbitahan din siya ng Vietnam, New Zealand, Saudi Arabia, Australia, France, Brunei, at Thailand.

“What countries have invited me? All. What countries will I accept? All,” pabirong sabi ni Marcos.

“So I’d like to go to them all at some point. But you know the scheduling. I have to go back to Manila and we also have a lot to fix and finish,” dagdag pa niya.

Nananatili si dating Pangulong Rodrigo Duterte na presidente ng Pilipinas na may pinakamaraming biyahe sa unang taon ng panunungkulan, na may 21 foreign trips.