Advertisers
NASABAT ang isang container van na naglalaman ng ‘di deklaradong sibuyas at carrots na tinatayang nagkakahalaga ng P7,860,300 sa Tondo, Maynila.
Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang hindi idineklarang mga produktong pang-agrikultura ay naharang sa isang spot-check inspection sa Manila International Container Terminal (MICT) noong Enero 4.
Alinsunod dito, apat na container vans ang na-flag sa MICT nang makatanggap ng ulat ang mga awtoridad na naglalaman ang mga ito ng hindi idineklarang produktong agrikultural.
Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ng magkasanib na grupo mula sa PCG Task Force Bantas sa Bumabangon na Magsasaka (TF-BBM), Department of Agriculture Wide Field Inspectorate (DA-WFI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Customs (BOC) sa isa sa mga van na naglalaman ng mga hindi dineklarang sariwang pulang sibuyas at karot.
Inilagay sa kustodiya ng BOC ang nasamsam na van at ang mga produkto.