Advertisers

Advertisers

PDEA dapat nang gumagamit ng bodycam sa ‘controlled delivery’

0 137

Advertisers

DAPAT maging leksyon na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkabasura ng korte sa kasong isinampa nila laban sa anak ni Justice Secretary “Boying” Remulla.

Kung aanalisahin mong maige ang mga argumento ng mga abogado ni Remulla ay tama lahat, base lahat sa batas.

Inaresto ng mga awtoridad si Juanito Jose Remulla lll, 39 anyos, sa tahanan nito sa Las Pinas na hindi nasunod ang “chain of custody”, ibig sabihin ay hindi nagsama ang mga awtoridad ng kinatawan ng Department of Justice, barangay at media, na siyang nire-require ng batas sa pag-aresto sa isang suspek.



Basta lang kasi dineliber ng mga operatiba ang isang parcel galing US na nakapangalan sa isang Jose Juanito Remulla (Juanito Jose Remulla ang tamang pangalan ng anak ni Sec. Boying) na sila-sila lang. Ni hindi nga sila gumamit ng bodycamera na matibay sanang ebidensiya laban sa inaresto. At late nang dumating ang press photog, naabutan nang nakalatag ang kush sa harap ni Juanito.

Pati ang pagka-custody ng droga sa bodega sa airport ay pinansin ng korte. Dapat daw doon palang, nang malamang droga ang laman ng parcel ay may ebidensiya na ang mga awtoridad na ito’y hindi nila tinamper o pinalitan. Dapat may video nang isailalim nila ito sa physical examination. Pero hindi ito ginawa ng mga awtoridad.

Lahat naman ng operasyon ng PDEA sa pagsagawa ng controlled delivery ay pareho lang ng ginawa nila kay Juanito. Kaso magagaling itong abogado ni Remulla kaya nabasura ang kaso ng anak ni Sec. Boying.

Sa pagkabasura sa kaso ni Juanito, malaki ang epekto nito sa kaso ng ibang dinakip via controlled delivery ng mga awtoridad.

Kaya dapat sundin na ng mga awtoridad ang proseso ng batas sa paghuli sa mga drug suspect para hindi na mabasura ang kaso. No. 1, gumamit ng bodycamera para mabura ang mga agam-agam na tanim ebidensiya. Mismo!



Teka, baka naman sinadya ng mga taga-PDEA na pahinain ang kaso laban kay Juanito para mabasura lang ito dahil batid nila ang impluwensya ng ama nito. Hmmm…

***

Sunud-sunod nang naghain ng “courtesy resignation” ang mga heneral at kernel matapos manawagan si DILG Secretary Benjur Abalos, Jr. sa mga ito na magbitiw sa puwesto bilang bahagi ng proseso ng kampanya ng adminsitrasyon laban sa iligal na droga.

Una na ngang kumasa sa hamon ang command group ng PNP na pinamunuan ni PNP Chief Rodolfo Azurin, Jr.

Wala namang alinlangang sumunod ang mga heneral at kernel para patunayan na malinis ang kanilang pangalan, hindi sabit sa sindikato ng droga.

Ang mga resignation letter ay rerebyuhin ng 5-man committee na hindi konektado sa organisasyon. Isa sa mga miyembro ng komite ay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Si Magalong ay retired PNP General na nagsilbing hepe ng CIDG at hindi nasangkot sa katiwalian sa higit 30 years niya sa serbisyo.

Ang mga tatanggapin na courtesy resignation ay mangangahulugang ‘di na mabibigyan ng puwesto, malalagay sa floating status hanggang sa magretiro nalang ito. Araguy!!!