Advertisers

Advertisers

Sam inip na ang bespren na si John na mag-asawa; Carla inilantad ang bagong stress reliever

0 159

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA pagbabahagi ni Carla Abellana sa kanyang IG account ay inihayag nito kung ano ang kanyang stress reliever.
Sa video sa kanyang socmed ay ipinakita nito na kung may good or bad moods siya ay ito nga raw ang kanyang pinagkakalibangan.
Nakakawala na nga raw ng stress ay kumikita pa siya.
Sa pagbabahagi ng Kapuso actress ay ipinapakita nito sa video ang pagggawa nito ng handcrafted soap na siya mismo ang gumagawa.
Naka-apron, gloves at face shield ito para sa protection na rin para sa mga mixed ingredients ng soap na ginagawa ni Carla.
Malaking tulong daw ito kay Carla lalo na kung stress siya as in malaking tulong.
Ito nga raw ang pinaggagawa nito noon kasagsagan ng pandemic.
Naging patok ang sabon ni Carla through online at mismong friends, relatives at fans ay tinatangkilik ang sabong gawa mismo ng aktres.
Bukod sa paggawa ng sabon ay nauna na niyang nakahiligang gumawa ng kandila.
***
MAG-39 years old na si Sam Milby at sa edad nya dapat daw ay meron na itong sariling pamilya.
Sinorpresa ni Sam ang kaibigang si John Prats sa morning show na Magandang Buhay.
Nagselebreyt ng 30 years sa showbiz si Pratty.
Pagbibida nito na matagal na silang magkaibigan ni Sam.
Nung naka-dalawang girlfriend na si John ay single pa rin si Sam.
Ngayon, tatlo na anak ni John ay wala pa rin sariling family si Sam.
Kaya parang naiinip na si John na magkaroon ng own family si Sam.
Natuwa naman si John nang ianunsiyo ng couple na Sam at 2018 Miss Universe Catriona Gray noong 2020 na sila na.
Kaya natanongsi Sam kung kailan ba ito magpro-propose at magse-settle down.
Ani ni Sam, huwag daw mainip at darating din daw ito sa mga bagay na gustong tumbukin ni John.
Alam naman nito na di na siya bumabata kaya kailangan daw matulad na siya sa friend na si John na mayroon nang sariling family.
Kung kailan ‘yun maraming abangers sa next chapter ng buhay may asawa ni Sam.
Well, well, well… ‘Yun na!