Advertisers

Advertisers

Barbie politician ang ipinalit kay Diego

0 160

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TAKANG-taka si Barbie Imperial kung bakit di natuloy ang project na pagsasamahan sana nila ng kanyang ex-labs na si Diego Loyzaga.
December nga raw dapat mag-start ang shooting kaso di natuloy na di alam ni Barbie ang kadahilanan ng pagkakaudlot.
Sa ngayon ay happy si Barbie na tila may nagpapaningning ng kanyang life.
Sey ng mga sitsit, nali-link daw sa isang politician ang ex ni Diego pero wala naman siyang kumpirmasyon.
Inamin lang ng aktres na close siya sa mga politician talaga katunayan ay nakikipag-friendly date pa siya sa mga ito.
Pero ang ni-link na politician kay Barbie ay matagal na nitong kaibigan kaya bitin ang netizens kung may dyowa nang politician ang aktres kapalit ni Diego.
Sa kabila na handa na itong magkadyowa ay namimili at mapili raw si Barbie sa mga nanliligaw sa kanya.
Abangers ang netizens kung may kapalit na sa puso niya si Diego sa isa raw politician.
***
Carlo Aquino inamin na ang relasyon kay Charlie Dizon
WALANG kiyeme na sinagot ni Carlo Aquino ang matagal nang gumugulo sa isipan ng netizens kung ano nga ba ang real score sa kanila ni Charlie Dizon.
Napaisip ang netizens nang mag-post si Charlie sa kanyang socmed account na magkasama at close na close kay Carlo.
Nagsimula raw ang pagiging malapit nila nang magsama sa A Soldier’s Heart.
Napaka-positive nga raw ng peg ni Charlie para sa aktor.
Pagpapatunay pa ng ex ni Trina Candaza na magkasama sila ni Charlie na nagselebreyt ng New Year’s Eve sa La Union.
Nasa getting to know each other na raw ang stage or status ng kanilang relasyon.
Mukhang ito na ngang si Charlie ang magiging the one ni Carlo sa kanyang buhay.
Well, well, well…’Yun na!