Advertisers

Advertisers

Catriona mas deserving maging host sa Miss U 2023

0 110

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ANG 2018 Ms. Universe na si Catriona Gray ang napiling commentator sa upcoming 71st Miss Universe competition na gaganapin sa Enero 14, 2023 sa New Orleans sa Estados Unidos.
Ang mga confirmed hosts ay ang dating Miss Universe Olivia Culpo at US television host na si Jeannie Mai Jenkins.
Ang tandem nina Culpo and Jenkins ang pumalit sa kontrobersyal na TV host na si Steve Harvey noong nakaraang taon.
Since 2015 hanggang 2021 kasi, si Harvey ang host ng nasabing prestihiyosong international beauty pageant kung saan na-wow mali noong 2015 si Ms. Universe Pia Wurtzbach.
Dahil tapos na rin ang deal ng Fox, ang Roku channel na ang mag-i-stream ng pageant sa wikang Ingles at ang Telemundo naman sa Spanish.
Sa bagong kaganapang ito, may umalmang Team Catriona at mga beaucon afficionados dahil lumalabas na pang-backstage lang ang beauty ng 2018 Ms. Universe.
Hirit nila, mas deserving daw si Cat na maging host ng taunang pandaigdigang timpalak pangkagandahan.
Dagdag pa nila, mas keri raw nitong magdala ng show being a fluent and glib talker kumpara kay Culpo.
Ito ang ilang reaksyon ng netizens.
“@MissUniverse this year and Catriona gets backstage? Godddd did we all forget how boring Olivia was as a host like she can’t banter, her energy is low, and she always looks confused like..???
“Steve Harvey is out! This edition will be hosted by ALL women! Olivia as main host and Catriona as backstage host. Sana nag-swap sila. Charot. Kaya ba itaas ang energy Mareng Olivia? 2023 na!”
“not catriona with jeannie and olivia GET HER OUT OF THERE”
“Catriona must be the main host instead of Olivia @annejknofficial!!!!”
“Please change Olivia Culpo from being main host. Please make Catriona Gray as the main cohost.”
“Olivia became a meme when she hosted miss universe before. Her lack of energy when hosting made her a meme, I hope she improves this time. Let’s give her a chance. I super love Catriona”
Speaking of Cat, malakas ang bulung-bulungan na engaged na raw ito sa boyfriend na si Sam Milby pagkatapos nilang magbakasyon sa Australia noong birthday niya noong nakaraang Biyernes, Enero 6.