Advertisers

Advertisers

Kylie may bagong lovelife na kaya ‘di na tuloy ang demanda sa ex-mister na si Aljur; McCoy ‘di natagalan ang pamilya ni Elisse kaya sumuko na sa relasyon

0 195

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

GRABE ang pasabog ngayong taon, 2023, kung may nagkabalikan, mayroon namang nagkakahiwalay.
Tulad na lang ng kwentong Heart Evangelista and Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, kung saan matagal din ito pinag-usapan sa social media at pahayagan na umano’y nagkahiwalay ang dalawa.
Pero natapos din ang kwento tungkol sa relayon ng dalawa nang magkasama silang namamasyal nuong New Year sa Japan kasama ang kambal na anak ni Sen. Chiz.
Ngayon naman, pinagpipistahan ang pasaring ni McCoy de Leon sa kanyang social media account…”Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensiya na po ulit.”
“Wala po involved na ibang tao ang pinakarason kaya kami nagkahiwalay. Sana po maniwala po kayo”.
“Hindi ko intensiyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumarating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko”.
Ito yung tungkol sa hiwalayan isyu nilang dalawa ng kanyang love team na si Elisse Joson.
Ayon sa mga Marites, matagal na raw hiwalay ang dalawa nuon pang pumunta si Elisse sa kanyang mother sa US para manganak at ang mudra pa ang nag-alaga sa kanilang anak and after umuwi na siya sa Pinas.
Ang tsika, tuwing aalis daw si Elisse kasama ang mother niya para mamasyal ay hindi sinasama ang dating PBB housemate, kung baga ayaw talaga ng pamilya ng babae kay McCoy. Itsapwera siya.
‘Yon ang pinakamahirap sa relasyon pag nakikialam na ang biyenan talagang hahantong sa hiwalayan.
Kaya naman idinaan niya na lang sa pag-post sa social media kasama ang picture ng kanilang anak…”Lagi mong tatandaan na mahal kita. Ikaw lang ang nakakaalam. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. Ikaw lang ang rason kaya ako nabubuhay. Ikaw lang ang lahat lahat ko”.
“Sana pagtanda mo ‘wag magbago ang tingin kay Daddy ha. Pasensiya na kung hindi lang talaga na kaya ni daddy. Sana maikwento ko sa iyo pagtanda mo”.
“Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Anak wag mo sila pansinin mahal na mahal kita, miss na miss na kita sobra”.
Kung iintindihin natin ang mga pahayag ng actor talagang mayroon siyang pinsasaringan pero hindi niya lang mabanggit.
Sa ngayon, may lumalabas na tsismis na kaya raw nagkahiwalay ang dalawa kasi nga may third party na namamagitan kay McCoy at isa sa magandang vlogger. Abaw Ah!!!
***
So, wala nang demandahan na mangyayari kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, tulad sa sinasabi ng mga Marites na nakipag-usap umano ang anak ni Senator Robin Padilla sa isang abogado last quarter of 2022.
Mayroon daw kasing namumuong pagmamahal kina Aljur at sexy actress AJ Raval.
May lumalabas pa ngang nanganak na raw si AJ at ang tinuturong ama ay ang asawa ni Kylie.
Kaya nasabi namin tapos na ang usaping ito kasi nga nito lang January of 2023, nagulat ang lahat nang mag post ang model/actress sa social media na may kasama siyang isang lalaki at nakipag-holding hands pa habang sakay ng train sa Thailand.
Kitang-kita sa mga picture na ang kanyang ka-holding hands ay may tattoo pati ang mga yapak ng kanilang mga paa ay kinunan din habang naglalakad.
Marami ang nagsasabing isang tattoo artist daw ang ka-date ni Kylie sa ibang bansa at hindi naman si Aljur kasi nga nasa kanilang resort ito sa Batangas at siyang nag-alaga ng kanilang mga anak na iniwan sa kanya bago lumipad ang actress.
Well, mag subscriber na kayo sa You Tube in “Showbiz Now Na” para makatanggap ng mga bagong tsismax in ShowbizWorld…Abaw Ah!!!