Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MATAGAL-tagal na rin na nakagawa ng isang serye o movie ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes.
Mas pinili niya na alagaan ang kanyang pamilya at maging hands-on mommy sa mga anak nila ng mister na si Dingdong Dantes. May show rin naman si Marian na ginagawa pero as a host, ang “Tadhana” pero iba pa rin siempre na si Marian mismo ang umaakting. But wait, mukhang this year ay babalik na sa akting si Marian.
“Sana magawa na ‘yung isang project na gagawin ko, so definitely sana makita na nila ako, sana matuloy ‘tong project na ‘to and then may mga gagawin ako sa regional kaya abangan nila ako,” say ni Marian.
Magkaganumpaman, priority pa rin ni Marian ang kanyang pamilya at planado na ng Kapuso aktres ang kanyang oras sa pamilya at sa pagiging artista.
“Sila pa rin priority ko kasi nag-aaral pa rin ‘yung dalawa,” she said. “Time management talaga is very important kaya sisiguraduhin kong maayos ‘yan,” dagdag na say ni Marian.
***
VERY catchy ang title ng movie ng reel and real sweetheart na sina Kim Molina at Jerald Napoles, ang ‘Girlfriend Na Puede Na’ opens in theaters on January 18, kasama si Gab Lagman at sa direksyon at panulat ni Benedict Mique.
In “Girlfriend Na Puede Na”, ginampanan ni Kim ang girlfriend ni Gab. Pero natuklasan ni Kim na hindi seryoso si Gab sa kanilang relasyon dahil tinuring lang niya si Kim bilang ‘girlfriend na puede na.’ Which means she is just so-so and he has no plans of taking her seriously.
At para makaganti sa pekeng boypren ay ginamit ni Kim si Jerald bilang ‘other’ boypren na isang buko vendor. Naging malapit sa isa’t isa sina Kim at Jerald at tulad ng inaasahan, romance eventually blooms between them.
Pagdating naman sa tunay nilang relasyon sinabi ni Kim na never niyang inisip na si Jerald ay isang ‘boypren na pede na’ or vice versa. Na isang dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon nila ng halos 10 taon.
“Pareho kaming mag-isip, e. We have the same goals in life. You can consider me as babaeng Jerald and he, lalaking Kim.
Marami rin kaming ayaw sa isa’t isa, but we always make it a point that when we clash, we talk about it and we eventually realize that we still have a lot of things to be grateful for about each other. And so, we’re still together,” say ni Kim.