Advertisers

Advertisers

Nora unang gumawa ng aksyon para makipag-ayos kay Matet

0 189

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ALL’s well that ends well sa pagitan ng mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon. Kinumpirma ito mismo ni Matet sa kanyang YouTube live noong Sabado, January 7, 2023, kasama ang kanyang asawa na si Mickey Estrada.
For the record, bago matapos ang taong 2022 ay nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa matapos sabihin ni Matet na kinukumpetensiya ng ina ang gourmet tuyo at tinapa business niya.
Pagbabahagi ni Matet sa kanyang YouTube live, “May gusto akong sabihin din sa kanila [viewers] bukod sa episode ko na Dear Mars.
“Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na.
“Nakita na nila, e, nag-upload na ng video si Kuya John.”
Ang tinutukoy ni Matet ay ang vlog sa YouTube na ini-upload ng singer-rapper at longtime companion ni Nora na si John Rendez nang magdiwang ito ng kaarawan na imbitado si Matet.
Sabi pa ni Matet, “I think I spoke too soon when I said I didn’t want to talk to her anymore. Siguro nasabi ko ‘yun out of anger.
“See what anger can do?”
Na agad namang sinang-ayunan ng kanyang mister.
Pagtatanggol ni Mickey, “Siguro nasabi mo ‘yun dahil sa frustrations, anger, and gulat.
“Pero nag-usap naman sila ni Mommy noong araw na yun mismo.
“Pero ayun nga, tao lang tayo.”
Kuwento ni Matet, si Nora ang unang lumapit sa kanya para makipag-ayos.
“Nag-chat sa akin si Mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana, kasi bagong taon, kalimutan na natin yung mga nangyari nitong nakaraan.
“Who am I not say yes to that and not to agree with her?
“Sino ako? Wala… ang Diyos nga nagpapatawad.”
Aminado si Matet na mali siya noong sinabi niyang hindi na niya kailanman kakausapin pa ang ina.
“Ang mali ko doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya,” sambit niya.
Nakakatuwa naman si Ate Guy, siya pa ang gumawa ng first move para magkaayos sila ni Mater, lugar na dapat ay si Matet, since siya ang anak, ‘di ba?
Nagkatotoo na naman ang kasabihan na ang ina ay hindi magagawang tiisin ang anak.
Ganunman, hindi na yun ang importante, ang mas importante ay okey na ulit ang mag-ina.
***
SIKAT NA DEEJAY JOWA BA ANG ISANG GWAPONG INFLUENCER?
MAY relasyon kaya ang isang sikat na gay Deejay sa isang gwapong influencer? Nagtatanong lang po Marami kasi ang nakakapansin na madalas ay magkasama sila sa post sa social media at marami rin ang nakakakita na lagi silang magkasama sa mga lakaran. At noong December nga ng nakaraang taon ay spotted ang dalawa sa concert ng isang banda at balita na sweet sila, huh? Ang swerte naman nitong si magaling na deejay kung jowa niya ‘yung influencer. Gwapo naman kasi talaga ito, bukod pa sa may maganda itong pangangatawan.