Advertisers

Advertisers

Mayor Honey: Bakunahan at booster sa Maynila, balik na uli

0 201

Advertisers

HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng residente ng lungsod na magpabakuna at magpabooster sa pagbabalik ng bakunahan kontra COVID-19 ng pamahalaang lungsod nitong Huwebes, January 12, 2023.

Pinaalalahanan ni Lacuna ang lahat ng interesado na magparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph dahil kailangan ito.

Ayon sa mayor ang mga sumusunod na vaccination doses ay available para sa walk-in sa mga designated locations: First and second dose (A1, A2, A3, A4, & A5), brands available: Sinovac & Pfizer- 44 health centers; first and second dose (minors aged five to 17), brands available: Sinovac & Pfizer—44 health centers (Sinovac is only allowed for 6 to 17 years old per DOH Memorandum 2022-0455); first booster shot (A1, A2, A3, A4, & A5), brand available: Pfizer—- 44 health centers; first booster shot (for minors aged 12-17), brand available: Pfizer— 44 health centers; second booster shot (A1 priority group except OFWs and relatives of A1, adults aged 50 and older, adults aged 18 to 49 with comorbidities), brand available: Pfizer– 44 health centers.



Pinayuhan ni Lacuna ang lahat ng mga magpapaturok na dalhin ang QR code kasama ang valid ID para sa verification, at idinagdag pa niya na ang QR code at vaccination ID ay maaaring i-download sa www.manilacovid19vaccine.ph.

“For our minors, bring your birth certificate/baptismal/school ID/PWD ID/or any valid ID and for immunocompromised individuals, bring your updated medical certificate signed by your doctor,” sabi pa ng lady mayor.

Para sa mga may comorbidity, kailangang dalhin at ipakita ang proof of comorbidity sa vaccination site. Ang consent at assent form naman ay ipo-provide sa vaccination sites.

Pinaalala ng alkalde na isa lang din ang dapat na kasama ng minors na magpapabakuna.

“Bring a valid ID to prove your relation to the minor as only immediate relative of the minors will be allowed,” giit ni Lacuna.stressed.



Istriktong pinatutupad ang health protocols sa mga vaccination sites.

Samantala ay ipinatupad na ni Lacuna ang liquor ban sa ilang lugar sa Maynila para sa Feast of Sto. Niño nitong Huwebes, Jan. 12, 2023.

Ito ay matapos na maglabas ang Office of the Mayor ng Executive Order No. 3, na nagsasaad ng … “orders a ban on sale of all alcoholic beverages in the areas within the territorial jurisdiction of Sto. Niño de Tondo Parish and Sto. Niño de Pandacan from Jan. 14 to 15.” (ANDRES GARCIA)