Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki nang magpanggap na abogado online at natangayan ng P18,000 ang kaniyang biktimang online seller sa Quezon City.
Kinilala ang lalaki na si Ivan Blake Marquez, na nakilala ng biktima noong Disyembre.
Unang nagbayad ang biktima ng P6,000 kay Marquez. Ilang beses pa silang nagkita sa personal kaya nagbayad muli ang biktima ng P5,000, hanggang sa umabot na ito ng P18,000.
Nang i-search sa social media, nadiskubre niyang hindi abogado si Marquez.
“May nakita kaming post na scammer pala siya. Milyon-milyon po ang na-scam niya,” ayon sa biktima.
Ikinasa ng pulisya ang isang entrapment operation, kungsaan mag-aabot ng P10,000 ang biktima kay Marquez.
Mahaharap si Marquez sa reklamong ‘swindling’.