Advertisers

Advertisers

Justin Brownlee ganap ng pinoy

0 130

Advertisers

IPINAGKALOOB ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Filipino Citizenship kay professional basketball player Justin Brownlee.

Kinumpirma ni Senator Francis Tolentino Huwebes ng gabi na nilagdaan ni Marcos ang Republic Act 11739, na nagbibigay ng Fili[ino Citizenship sa Ginebra resident import sa pamamagitan ng naturalization.

Ang batas ay epektibo 15 araw matapos ang publication sa opisyal Gazzette.



Gayunpaman, Si Brownlee, na naging import ng Gin Kings para sa PBA Governors Cup simula 2016 at kanilang import sa 2023 Commissioners Cup, ay ma enjoy ang privilages na maging Filipino citizen, at karapatan para maglaro para sa Gilas Pilipinas.

Ang six-foot-five shooting guard ay manunumpa ng citizenship at mag apply para sa Filipino passport.

Kapag nakakuha ng passport, si Brownlee ay puwede ng makasama sa Gilas lineup para sa sixth window ng FIBA World Cup qualifiers na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue,Bulacan sa Pebrero 24-27.