Advertisers

Advertisers

SIR, YES… SIR

0 370

Advertisers

ITO ang madalas natin marinig sa mga unipormadong kawani at opisyal ng gobyerno tulad ng mga pulis at sundalo dahil na rin sa nakasanayan nang kultura na sumunod muna bago ang lahat.

Nanawagan kamakailan ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng tinatawag na ‘courtesy resignation’.

Partikular na tinukoy ng panawagan na ito ang mga opisyal ng PNP na may ranggo na ‘Colonel’ hanggang sa pinakamataas na opisyal ng pulisya na umani ng sangkaterbang batikos subalit mayroon din naman na mga natuwa.



Isa raw itong paraan ng kasalukuyang administrasyon upang labanan ang masiglang industriya ng ilegal na droga sa bansa kung saan pinaniniwalaan na may mga kasabwat sa hanay ng PNP.

Mabilis pa [yata] sa kidlat ay nagsumite na ang hepe ng PNP batay sa panawagan ng kalihim ng DILG. Kada araw naman ay mabilis na ibinabalita ng pulisya ang pagdami ng kanilang mga opsiyal na tumugon sa hamon na ito.

Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na mga araw ay magiging laman ng balita na mula kernel hanggang sa hepe ng PNP ay nagsumite na ng ‘courtesy resignation’ dahil alam naman ng lahat ang kulturang mayroon ang mga ito.

Sa akademiya pa lamang ay hinubog na ang mga kaisipan ng mga ito sa kulturang ‘Sir, Yes.. Sir’. Ito ang dahilan kaya napakahirap na magmarakulyo ang mga ito dahil sa isang kumpas lang ng kamay ng opisyal ay susunod ang mga nasa ibaba.

Pero kung minsan ay mas matimbang pa ang tinatawag na ‘Class Batch’ ng mga ito kaysa sa ranggo kaya minsan ay mapapapikit ka kapag ang naiupo ay tinatawag na ‘under class’ ng ilang aktibo pa sa serbisyo.



Sa puntong ito ay masasabi kong magiging matagumpay ang panawagan na ito dahil sumunod ang hepe ng PNP kaya nasisiguro kong may kautusan na rin ito sa mga tauhan niya na tiyak na susundin. Ayaw man o gusto, sunod ang mga iyan.

Naalala ko tuloy ang kaibigan kong sarhento ng PNP noong araw na nasa aktibong serbisyo pa siya. Aniya, sumusunod o kumikilos sila kapag may utos ang hepe. Anumang krimen ay malulutas namin basta nag-utos ang nasa itaas.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com