Advertisers

Advertisers

Kim umiral ang pagiging fan ng Kpop star, nagpadala ng isang truck ng pagkain

0 142

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PAGDATING sa kanyang showbiz career ay super ‘tahimik’ ang kampo ng sexy Kapuso actress na si Kim Domingo pero pagdating naman sa kanyang pagiging solid supporter ng mga Korean Popstars ay super updated siya.
Dumarating pa sa punto na pumipila ng mahaba para lang makabili ng tiket sa concert ng hinahangaang Kpop star.
Kamakailan naman ay muling nag-ingay ang kampo ni Kim nang magpadala siya ng isang truck load of food sa kanyang ultimate idol na si Cha Eun-woo, sa set ng drama ng aktor.
Bilang pasasalamat naman ng Kpop actor na kagrupo ng boy band na Astro ay iniupload niya ang larawan ng pinadala ni Kim na mga pagkain at nilagyan ng caption na ganito:
“I ate the delicious coffee, tea, and so-tteok so-tteok, and croffle really well. Thank you so much. Teacher SeoWon chatting!!!”
Kultura sa South Korea ang pagpapadala ng mga coffee at food truck para ipakita ng fans ang kanilang paghanga sa mga iniidolo nilang aktor, at pagsuporta na rin sa production sa likod ng ginagawang drama o pelikula.
***
SIMULA nang sumabak ang respetadong direktor na si direk Jose Javier Reyes sa paggawa ng daring and sexy movie under Vivamax ay kapuna-puna na pawang newbie na sex nymphet ang kanyang dinederehe.
Una na si Janelle Tee na naging paborito niya at ginawang bida sa isinulat niyang serye para sa Viva max, ang “An/Na”. Ngayon naman pawang baguhan din ang mga bida ng movie na katatapos lang niya gawin, ang “Tag-init”, na sina Franki Russell, Yen Durano at Clifford Pusing, na mapapanood na exclusively on Vivamax apps simula sa January 20.
Ang “Tag-init” is about the passage of a young boy into becoming a young man with his experience with this lonely woman.
The movie asks: ibinibigay mo ba ang iyong katawan dahil sa pagpaparaos lamang o dahil sa pagmamahal? Do you give love out of sex or out of love?
Sa nangyari kay Clifford, he shows that he is more of a man than his brother and his friends because he gave love and care to this lonely young woman played by Franki.
Kumusta naman kaya si Franki bilang bida ng movie na kanyang dinerehe?
“I’m happy na sina Franki and Yen are such smart young women, they understand their roles as a kept woman and as a liberal young woman perfectly. Masuwerte ako kasi matatalino ang mga artista ko. Mahirap kapag ang katrabaho mo walang utak,” say ni direk Jose.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">