Advertisers

Advertisers

Miss U PH Celeste tinalbugan si Jane sa Darna costume

0 218

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGPASALAMAT ang pamilya Ravelo at ang producers ng Darna: The TV series dahil sa pagsusuot ni Miss Universe Phillippines 2022 Celeste Cortesi ng costume ng beloved Pinoy superheroine.
Katunayan, nag-viral ang paepek ni Cortesi dahilan para umingay ang nasabing fantaserye ng Kapamilya network.
Nailagay din sa mapa ng mundo ang Pilipinas na may mga nag-akala pang national costume ng bansa ang nabanggit na kasuotan.
Marami rin ang pumuri sa galing ng beauty queen sa pagdadala nito ng kanyang costume.
May mga nagsasabi pang papasa raw siya bilang Darna at mas may K itong rumampa sa superhero universe kumpara sa star ng series na si Jane de Leon.
Anila, kinabog daw ni Celeste si Jane sa kanyang pasabog sa preliminaries.
May mga humirit pang maluluma si De Leon kapag pinagtabi sila ni Cortesi.
***
Kim nagpaka-faney, ginastusan ang idolong Koreano
TRENDING ngayon sa Twitter si Kim Domingo dahil sa kanyang pagpapaka-faney.
Nagpadala kasi siya ng food truck sa set ng “A Good Day to Be a Dog”, ang upcoming series ng South Korean actor-singer na si Cha Eun-Woo.
Ito ay bilang suporta niya at paghanga sa kanyang idolo.
In-acknowledge naman ni Cha Eun-woo, miyembro ng K-pop boy group na Astro, ang pag-aalala ni Kim sa kanyang hinahangaang oppa.
Ipinakita pa nito ang appreciation niya kay Kim sa pamamagitan ng pagtwe-tweet sa food truck nito.
May caption itong: “Thank you for always inspiring us. Cheering on you, teacher Seo Won! Chaiting! From Philippines, Kim Domingo.”
Ang tinutukoy ni Cha Eun-woo na Seo Won ay ang pangalan ng karakter niya sa K drama series.
“I ate delicious coffee, tea, sotteoksotteok, and [croffle] so well. Thank [you] so much. Seowon teacher, chaiting!” tweet ng K-pop star sa wikang Koreano.
Marami naman ang nainggit kay Kim dahil special mention siya ni Cha Eun-woo.
Hirit tuloy ng kibitzers, ginastusan daw ng Kapuso actress ang kanyang idolo.
Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nag-fangirling si Kim sa guwapong K-pop star.
Nangyari na ito nang um-attend siya ng fan meet nila sa Manila noong Agosto.
Si Cha Eun-woo ay popular sa mga Korean series tulad ng “My ID is Gangnam Beauty” at “True Beauty.”