Advertisers
AS of January 13 Friday at 4:45pm, “The I Am Toni Concert” @ the Smart Araneta Coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser Toni Gonzaga. Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her friends, relatives at mga ka-Church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid. Wala nang libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula. As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert. It’s a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga. Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo, then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at ma-stress. See you all on Jan. 20, 2023 Friday 8pm at the Araneta Coliseum.
***
Bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club naihalal na
NAIHALAL na ang bagong pamunuan ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa taong ito. Naganap ang eleksyon noong Enero 13, 2023 sa opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City. Muling nahalal bilang Pangulo si Fernan de Guzman, habang Pangalawang Pangulo naman si Mell Navarro.
Ang iba pang nagwagi sa eleksyon ay sina Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), Eric Borromeo (Auditor), Leony Garcia at Glen Sibonga (Public Relations Officers). Ang Board Members naman ay binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Rodel Fernando, John Fontanilla, Rommel Placente, at Francis Simeon.
Sa bagong pamunuang ito, hinahangad ng PMPC ang lalo pang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng club. Asahan na rin ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang samahan. Nakatakda namang ianunsiyo sa mga darating na araw ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales. Ang PMPC ang namamahala at nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.