PAGLILINAW NI JOED SERRANO, TICKET SA 20TH ANNIVERSARY CONCERT NI TONI GONZAGA SA ARANETA MALAKAS ANG BENTA
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
OVER acting naman itong mga bashers at trolls ng The Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga na ayaw tumigil sa pagpapakalat ng balitang magpa-flop ang 20th Anniversary Concert niya at mahina raw ang benta ng ticket.
Now, eat your hearts out, mga nega and toxic people. Narito ang pahayag ni Joed Serrano, na isa sa producer ng big budgeted concert ni Toni, na nilinaw na malakas ang sales ng tickets ng produced nilang concert at hindi totoong matumal gaya ng pinapalabas ng mga epal diyan. “As of January 13 friday at 4:45pm, The I Am Toni concert @ the Smart Araneta Coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser Toni Gonzaga. Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula. As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert. Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga. Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at ma-stress. See you all on Jan. 20, 2023 friday 8pm at the Araneta coliseum.”
Big budgeted talaga itong concert ni Toni na stage pa lang na gagamitin niya ay mala-Katy Perry at Taylor Swift concert. Ang GFORCE, ang back-up dancers ni Toni.
Maraming fans si Toni sa abroad na uuwi para mapanood lang ang kanyang concert kasama ng million fans ng The Ultimate Multimedia Star. Narito pa la ang presyo ng ticket sa I AM….Toni, VIP-PHP 10,032, PATRON A-8,976, PATRON B-7,920 at LOWER BOX-5,808 na pare-pareho ng naka reserved.
Para naman sa UPPER BOX-3,696 at P898 naman ang presyo para sa GENERAL ADMISSION. Magsisimula ang concert ng 8:00 PM at makakabili kayo ng ticket sa Smart Araneta ticket booth (yellow gate), Ticketnet and Online Ticketnet.
***
DIREK REYNO OPOSA, MAMIMIGAY NG BRANDED SHOES AT CASH EVERY MONTH SA FOLLOWERS SA YT CHANNEL
Magmimistulang Big Santa Claus buong taon ng 2023 ang director/producer/vlogger na si Direk Reyno Oposa.
Yes, tumutok lang sa Official Youtube channel ni Direk Reyno gamit ang link na ito, https://youtu.be/0I-WZhgWLdk. At mag-comment then like and share na rin. Yes, ayon pa sa kaibigan naming filmmaker (Direk Reyno) nang amin siyang maka-chikahan recently ay it’s time na mag give back siya sa fans and supporters na dahilan ng paglaki ng kanyang Youtube Channel. Yes, buong taon ng 2023 ay mamimigay every month ng isang branded shoes tulad ng NIKE, CONVERSE AT VANS si Direk Reyno sa mga manonood na may maraming comments sa mga upload niyang videos. At may option pa ang mananalo rito na kung ayaw ng sapatos ay pwedeng i-convert ni Direk Reyno into cash.
Hawak na nito ang lahat ng items na papremyo. Marami tayong active movie and TV directors, pero mukhang si Direk Reyno lang ang may pakontes na ganito sa kanyang viewers.
Pakiusap pala ni Direk, sa mga hindi mapipiling winner ay huwag naman siyang i-bash. Oo naman mali naman ito at unfair sa nasabing director na pinaplantsa na ang bagong film project na “IKAW BA AY DAKZ?”