Advertisers

Advertisers

Carlo kinabuwisitan ng ex-live in partner na si Trina; bagong Miss U may dugong Pinoy

0 138

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

LABIS ang kalungkutan at pagkadismaya ng mga pageant fans sa di pagkakapasok ng ating Pambato sa katatapos lang na Miss Universe na si Celeste Cortesi.
Kahit nga naging fave siya ng crowd at lumaban si Celeste at pansin ang kakaiba nitong arrive sa pageant.
Pero kataka taka na di man lang ito pumasok sa Top 16.
May sisi pa ang netizens na di naka tulong ang pagda-Darna outfit nito.
Pero may bulung-bulungan na malabo na raw na manalo ang ating Pambato na si Celeste nang ipagbili ang Miss Universe sa isang Thailand Transgender sa halagang 20 thousand dollars kaya sa mga susunod ay wala nang makalulusot na Pilipina Beauty sa Miss U.
May bulung-bulungan na baka raw sumemplang sa closed door na Q and A si Celeste sey pa ng pageant fanatic.
Mababaw nga raw ang Pinoy mapasok lang sa Top 16 si Celeste.
Sa kabila na di nakapasok si Celeste parang wagi na rin tayong Pinoy dahil ang itinanghal na bagong Miss Universe na si R Bonnet Gabriel na Miss USA ay isang Fil-Am at may dugong Pinay kaya big winner pa rin ang Pinoy dahil sa bagong Miss U.
Katunayan nagpasalamat pa ito sa binigay na suporta ng Pinoy sa pagkakapanalo ni R Bonney as bagong Miss Universe.
***
SA panayam kay Trina Candaza, ex partner ni Carlo Aquino at ina ng kanilang anak na si Mithi.
Napa-react si Trina sa naging pahayag ni Carlo na di nito nakakasama ang anak na si Mithi.
Naimbiyetna ito nang sabihin ni Carlo ang mga litanya na “sustentado ko naman silang mag-ina.”
Doon na-offend si Trina kaya nagbulalas na rin ito ng kanyang pagka-imbiyerna.
Hindi naman itinanggi ni Trina na nagsusustento si Carlo sa kanilang anak na si Mithi pero di siya kasama sa sustento paglilinaw pa ng ex partner ni Carlo.
Nagpro-provide rin daw si Trina at may work ito pero ‘yung sinasabi ni Carlo na mag ina silang sinusustentuhan ni Carlo ay sinalag ni Trina.
Hindi na dinetalye ni Trina kung bakit sila nagkahiwalay ni Carlo dahil ayaw nito na mapanood ng kanilang anak na si Mithi pagdating ng panahon.
Well, well, well…’Yun na!