Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
ISA sa mga memorable kay Kim Chiu nang magbakasyon sila sa Paris ng boyfriend na si Xian Lim ay ang makita nang close-up ang Eiffel Tower sa gabi.
Matatandaang nagpunta sa Paris ang celebrity couple nitong nakaraang Holiday season at talagang sinagap nila ang kasiyahan sa kanilang trip.
Sa kanyang latest vlog ibinahagi ni Kim ang ginawa nilang pamamasyal sa Paris at isa nga sa mga highlight ng trip ay ang pagpunta nila sa Eiffel Tower.
“Sobrang ganda! Grabe. Nakakaiyak!” say ni Kim habang nasa harap ng tourist attraction.
“So pretty!” say naman ni Xian.
Marami ang naaliw nang sabihin ni Kim na maganda pala ang Eiffel Tower pero sa umaga raw ay parang tower lang ng ABS CBN.
Dahil sa pandemic ay ngayon lang sila ulit nakapag-Holiday travel. Marami nga raw siyang bagay na napagtanto dahil sa pandemic at isa na rito ang kahalagahan ng oras.
“Two years ng pandemic really made us think lalo na sa akin. Time is really important na hindi mo na maibabalik kung anuman ang nagawa mo before or hindi mo na masasabi kung anuman ang nasabi mo dati dahil hindi mo alam ang mangyayari next day, bukas, next week, next month, next year.
“So time is really running and time will not really wait for you. Ikaw talaga ang gagawa ng mga bagay na gusto mo sa buhay mo,” say pa ni Kim.
“It`s really a precious gift, ang oras, oras for friends. So, I take this holiday as reflection na rin of what I want to be.
“Or take this kung ano ang goal natin for 2023 and kung ano ang gusto nating mangyari kasi maganda yung mag-set tayo ng goal for the entire year, next year, tomorrow or next week.
“Start tayo like second week of January. This is my goal. Isulat na natin lahat ng mga goals natin sa buhay dahil sa one to one hundred or one to ten na mga goals na meron ka, mangyayari talaga yung mga lima or anim or kung masipag ka talaga at very focused ka talaga, makaka-ten ka,” dagdag pa ni Kim.
***
Producer ni Toni sa concert umalma
MABAWI kaya ni Toni Gonzaga ang lakas niya sa masa sa kanyang nalalapit na concert na “I Am Toni” sa Araneta Coliseum on January 20? Yan ang katanungan ng karamihan.
May nagko-comment pa na kung ganun pa rin daw kaya ka-powerful ang singer/actress pagkatapos ng di gaanong magandang box-office result ng My Teacher sa katatapos na Metro Manila Film Festival.
In fairness sa movie entry ni Toni sa nakaraang MMFF ay maganda naman talaga ang istorya pero tila hindi feel ng mga naging hurado sa taunang festival ang nasabing movie.
Samantala, eto naman ang kung anu-anong naglabasang batikos sa nalalapit na concert ng actress/singer. Kesyo mahina raw ang benta ng ticket kaya pinakyaw daw ng kanyang mommy ang ticket.
Dahil dito ay hindi na nakatiis ang isa sa mga producer ng concert ni Toni na si Joed Serrano na maglabas ng pahayag sa tunay na kalagayan ng ticket selling ng nasabing concert.
“As of January 13, Friday at 4:45 pm, The I Am Toni concert @the Smart Araneta Coliseum on Jan. 20, 2023 has already sold 55% of the tickets.
“20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser Toni Gonzaga. Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka-church mate na sa kanya umorder.
“Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to Ticketnet. These tickets are paid.
“Wala nang libre sa panahon ngayon, except pag ka pamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula.
“As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets and get a chance to watch this very controversial concert.
“Smile, huwag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihin di naganda sa kapwa mo, then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at ma-stress. See you all on Jan. 20, 2023 Friday, 8pm at the Araneta Coliseum,” statement ni Joed.