Advertisers

Advertisers

COL. FANGED, GASGAS KAY PERGALAN KING OLDAK!

0 801

Advertisers

SIRANG-SIRA ang mga pangalan nina Pangasinan PNP Provincial Director Col. Jeff Fanged at Urdaneta City Mayor Julio Parayno III dahilan sa panggagamit ni Oldak, kilalang big-time na gambling/drug lord na inirereklamong nag-ooperate ng malaking pergalan (perya at sugalan) sa highway patungong SM Mall na makikita sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan.

Para sa kaalaman nina Col Fanged at Mayor Parayno III, ang inyong mga pangalan ay isinasangkalan ng isang nagpapakilalang “Nilo” na tauhan at kanang-kamay ni Oldak na siya ding poste o bantay sa nasabing pergalan kapag may mga awtoridad na kumukwestiyon sa kanilang pagpapasugal sa naturang lugar. Ikinakatwiran ni “Nilo” na ang kanilang pergalan ay may permit at may basbas aniya nina Col. Fanged at mayor.

Ang pergalan ni Oldak na may mga kaparehong iligal na negosyo sa ibat ibang lugar sa Region 1 at Cordillera Region ay hindi pwedeng mabigyan ng permit ng kapulisan at ng local government unit (LGU) dahil sa totoo lang, “front” lang ito ng mga iligal na sugal tulad ng color games, beto-beto, cara y cruz, drop balls, sakla at iba pa labag sa batas na card at table games.



Kung totoo nga ang ipinangangalandakan ng kampo ni Oldak na sila’y nag-ooperate ng mga pasugalan na may permit ng kapulisan at Urdaneta City LGU, kung gayon ay may pananagutan sina Col. Fanged at Mayor Parayno III sa umiiral na batas sapagkat ang pergalan ni Oldak na mistulang mini casino dahil sa dami ng sugalan, ay iligal: na ibig sabihin ay salungat sa umiiral na batas.

Col. Fanged at Mayor Parayno III, mga sir, bukod sa mini casino, ang Urdaneta City pergalan ni Oldak ay iniuulat na tambayan pa ng mga drug addict na ayon sa ating mga informant ay nagkalat din ang mga drug pusher na nagbebenta ng shabu sa mga mananaya ng color games at iba pang mga pasugal sa nasabing pergalan, kaya karamihan sa mga magsusugal doon at mga empleyado ni Oldak ay mga adik sa sugal at shabu.

Hindi magugustuhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang nangyayaring ito sa pergalan ni Oldak sa Urdaneta City at iba pang pergalan niya sa Region 1 at Cordillera Region, lalo ngayong ang pambansang kapulisan ay mainit na pinag-uusapan dahil sa pagkakasangkot ng ilang police official at mga tauhan sa lumalalang sitwasyon ng droga na nagbunsod sa hiling na courtesy resignation ng mga third level official- mga full colonel at general para sa ikinakasang PNP internal cleansing na iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Kapag nagkataon ay hindi lang si Col. Jeff Fanged ang tatamaan sa napipintong cleansing ng misfits sa kapulisan dahil sa kalokohan, katigasan ng ulo at kakapalan ng mukha ni “Pergalan King Oldak”.

Ang SIKRETA ay sumasaludo kay BGen. John Chua sa mabilis na pag-aksyon nito sa ilang pagsisiwalat sa kalokohan, tulad ng pagpapasara sa dalawang pergalan diyan din sa Pangasinan na isinumbong din sa SIKRETA.



Maaaring binubulag siya ng police chief ng Urdaneta City kaya marahil hindi alam ni General na nag-ooperate pa din ng pergalan si Oldak diyan sa highway patungong SM Mall, Urdaneta City, Pangasinan.

Hindi lamang mga residente ng 34 na barangay ng Urdaneta City ang apektado ng halos magdamagang gambling operation sa pergalan ni “King Oldak”, kundi maraming mamamayan din ng mga kanugnog na bayan at siyudad ng Pangasinan ay nagugumon din sa pagsa-shabu at sa mga iligal na bisyong pinang-eenganyo sa nasabing gambling den.

Para sa kaalaman ni BGen Chua, may pergalan din na inerereklamo diyan sa Calasiao, Pangasinan na siguro’y kailangang ipasilip ng butihing heneral dahil ang sugal at shabu ay 24/7 ang operasyon doon.

PULIS “KAPUSTAHAN” NA, PERGALAN OPERATOR PA!
BANTOG na bantog ang isang aktibong miyembro ng Batangas PNP dahil sa matagal na ding panahon na “favorite pet” ito ng maraming naging PNP regional, provincial director at iba pang top ranking officer sa Region 4A dahil isa ito sa “kapustahan” (tong kolektor) sa rehiyon.

Ngunit nitong ilang araw lamang ang nakararaan, nabuking na liban sa pangongolekta nito ng protection money para sa ilan nitong mga superior officer, si alias Sgt. De Guzman na kilala rin sa kanyang mga aliases na Digoy at Allan ay operator pa pala ng pergalan (perya at sugalan) na hinihinalang front ng bentahan ng shabu sa lalawigan ng Batangas.

Ang nakakabilib pa dito kay alias Sgt. De Guzman aka Digoy at Allan ay matagal ding napaglaruan nito ang batas sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang kalaguyo bilang mga dummy operator sa pagpapatakbo ng pergalan.

Nalantad ang modus ni alias Sgt. De Guzman aka Digo/Allan nang salakayin ng mga operatiba ng Region 4A, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Operation Team ang mga pergalan sa ibat ibang lugar sa Batangas sa atas ng kauupong Regional CIDG Chief, Col. Marlon R. Santos.

Pito sa mga pergalista na nag-ooperate sa Brgy. Lodlod, Lipa City ang nasakote ng CIDG operative na pinamumunuan ni Major Charlie Reyes. Nakatakas ang babaing operator nito na si alias Jobelle na nadiskubreng nag-ooperate ng isa pang pergalan (perya at sugalan) sa Brgy. Mabini sa Lipa City din, kung saan kasosyo nito ang kanyang lover na si alias Sgt. De Guzman aka Digoy/Allan.

Bukod sa pergalan sa Lodlod at Mabini, Lipa City ay may mga pergalan pa sa Brgy. Pansol, bayan ng Padre Garcia at Brgy. Bulihan si alias Sgt. De Guzman aka Digoy/Allan na isang Venice na kalaguyo din nito na kanyang dummy operator.

May pergalan din si alias Sgt. De Guzman aka Digoy/ Allan sa Brgy. Pinagtong -olan sa bayan ng San Jose kung saan isang alias Glenda na kalaguyo din nito ang umaaktong operator. May pwesto pa sa Brgy. Loyus, Tanauan City si alias Sgt. De Guzman aka Digoy/ Allan na ang nagmamaneobra ay ang kerida din nitong isang Agnes.

Isang Janog naman na nag-ooperate sa Brgy. Putol, sa bayan ng Tuy at isang Nikki Bakla, sa Brgy. Pagaspas, Tanauan City ang parehong dummy operator din ni alias Sgt. De Guzman aka Digoy/Allan.

Sa ilalim ng command responsibility, apektado sina Region 4A PNP Director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at Batangas PNP Director, Col. Pedro Soliba sa kabulastugang ito ni alias Sgt. De Guzman aka Digoy/Allan. Region 4A CIDG Chief, Col Santos, sir, paki-raid ng mga nabanggit na pergalang ito.

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144.