Advertisers

Advertisers

Mag-utol, niratrat habang tulog: 1 patay, 1 sugatan

0 127

Advertisers

Dead on spot ang 18 anyos na lalaki habang sugatan naman ang kapatid nito nang pagbabarilin ng kapwa nila construction worker sa loob ng barrack sa Brgy. Pagaspas, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang magkapatid na sina Adrian Torrejas Leon, 18 anyos; at Angelbert Leon, 27 anyos, kapwa tubong Compostela, Davao de Oro.

Ayon sa imbestigasyon, 7:50 ng gabi noong January 15 habang natutulog ang dalawa sa kanilang barrack bigla na lamang dumating ang salarin na si Gringo Deliosa, 33 anyos, na dala ang hindi pa mabatid na uri ng armas.



Pinagbabaril nito ang biktima na si Adrian na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Agad na nagising ang kanyang nakakatandang kapatid na sunod na pinaulanan din ng bala ng salarin.

Agad na tumakas ang salarin sa hindi nalamang direksyon matapos ang pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng bala at ang bangkay ng biktimang si Adrian.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, mayroong hidwaan ang mga biktima at salarin na nagresulta sa pamamaril.

Pinaghahanap na ang nakatakas na salarin kasabay sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">