Advertisers
NAKATUTOK si Antonella Berthe Murillo “Tonelle” Racasa sa pinakamimithing Woman Grandmaster Title (WGM).
Target ko po makuha ang WGM title 2 to 3 years from now,” sambit ni Racasa, certified Woman National Master (WNM).
Ang 15-year-old Racasa na student ng Victory Christian International School ay sariwa pa sa pagkopo sa silver medal sa Batang Pinoy Blitz category nitong nakaraang buwan na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur.
Si Tonelle ay naka iskeydyul na katawanin ang bansa sa Fide Rated International Open Chess Tournament sa Indonesia na magsisimula sa Enero 27 hanggang 29 na gaganapin sa Gunadarma University Karawaci, Tanggerang-Indonesia.
Ang pambato ng Mandaluyong City na si Racasa ay masisilayan din sa World School Chess Championships sa Rhodes, Greece sa Abril 13-23 at ng World Youth Chess Championships sa Nobyembre 12-25 sa Montesilvano, Italy.