Advertisers

Advertisers

Richard kakaririn ang pagiging singer, family man at board member ng MTRCB

0 310

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

KAMAKAILAN lang nag-oathtaking ang sikat na singer-recording artist na si Richard Reynoso, as a member of the Board ng MTRCB or Movie and Television Review and Classification Board.
Sabi ni Richard, “By God’s grace and mercy, may we perform our duties and responsibilies under the leadership of our hardworking Chairperson, Ma’am Diorella Sotto-Antonio together with Vice Chairman Direk Njel de Mesa and the whole MTRCB staff”.
May iba’t ibang klasipikasyon or rating na ibinibigay ang nasabing Board sa mga pelikulang kanilang nirerebyu. G- ito ay pwede sa lahat ng manonood. R-13- pwede lamang sa mga manonood sa edad 13 pataas.
PG- nangangailangan ng patnubay at gabay ng magulang o supervising adult para sa mga batang manonood na edad 12 pababa.
R-16- pwede lamang sa mga manonood na edad 16 at pataas.
R-18 – pwede lamang sa mga may edad 18 pataas.
Kaya bago manood ang bawat movie goer tignan muna kung anong Classification ang naka-paskil sa bawat sinehan na kanilang papasukin lalo na pag may kasamang bata.
Sa ngayon, seryoso ang isa sa member ng OPM Hitman sa kanyang bagong trabaho as Board habang wala pa silang mga show nina Rannie Raymundo, Chad Borja, and Renz Verano.
Ayon sa kaibigan naming si Richard, kakayanin niya at pwedeng ipagsabay ang kanyang trabaho sa MTRCB, family and singing career.
Si Richard at ang kanyang wife na si Maria Reina Amor na isang flight stewardess ng Phil. Air Lines kung saan nagkakilala ang dalawa habang sakay siya sa isang plane for a commitment. Masaya ang kanilang pamilya with two kids Dana and Baby.
Marami ring pinasikat na awitin ang magaling na singer tulad ng “Paminsan-Minsan”, “Hindi ko Kaya”, “Ale” under Alpha Records….Abaw Ah…
***
NAGPALABAS ang pamunuan ng MTRCB ng isang memorandum sa lahat ng TV networks to comply with the CCL or Closed Caption Law (Republic Act No. 10905).
Ipinaaalam sa lahat na ang nasabing batas No. 10905, an act requiring all Franchise Holders or Operators of Television Stations and Producers of Television programs to Broadcast or present their Programs with Close Caption Options, and for their purposes and its implementing rules and regulations.
In accordance to Section 2, rule V of the implementing Rules and Regulations (IRR) full compliance thereto is now required. All previous exemptions except for those excluded/ granted pursuant to Section 2, rule 11 of the IRR are hereby revoked.
Further, all networks are required to submit a written report detailing closed captioning in their programs for the year 2022 as provided in section 6 rule V of the IRR within 30 days from issuance of this memorandum.
You me submit your written report or any question regarding this Memorandum to otc@mtrcb.gov.ph