Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
BIGGEST break ng newbie actress na si Rowan Diaz ang pelikulang A Cup of Flavor ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo. Isa kasi si Rowan sa bida sa pelikulang ito.
Tampok dito sina JC Santos, Sean de Guzman, at Barbie Imperial, mula sa pamamahala ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan.
Ito ang third movie ng magandang talent ni Ms. Len, una ay sa Bugso at sumunod ang Sa Kanto ng Langit at Lupa, directed Joel Lamangan.
Kumusta ang shooting nila sa A Cup of Flavor?
Tugon ni Rowan, “Sobrang lamig po sa Benguet. Since nasa highest point kami, may mga times na nag-zero degrees daw po talaga roon kahit afternoon na.”
Pagpapatuloy niya, “Sa movie, ako po rito si Agatha, nickname niya po ay Agnes. Siya po yung masungit at mataray na parang laging may mens… childhood friend po sila nina Isi, Vince, at Agnes, which is sina Sean de Guzman and Barbie Imperial.
“Sa movie, makikita nyo naman po yung closeness naming tatlo. Then si kuya JC, galing siya sa royal family na nagbaksyon lang siya sa Benguet, for him to relax. Since peak season, fully booked lahat kaya napunta siya sa transient house ni Isi.”
Kinabahan ba siyang kaeksena si JC?
“Hindi naman po ako kinabahan kay kuya JC, it’s more about excitement yung nararamdaman ko po that time,” nakangiting sambit ni Rowan.
Itinuturing niyang isang privilege ang makatrabaho ang co-stars niya sa pelikulang ito.
Aniya, “Working with this three big stars (Sean, Barbie, and JC ) is such a privilege to me. Kasi iilan lamang po ang nabibigyan ng opportunity na ganito, especially sa akin na isang baguhan at kakapasok ko pa lang po sa showbiz.
“Very supportive po sila sa akin, especially kuya JC, binibigyan niya po ako ng mga tips sa acting. Si direk Maan naman po, our director is so nice to work with. Very open po siya sa lahat ng opinions.
“All in all, great job.
“Ito po yung movie na makaka-relate talaga ang marami, especially mga teens. We did our best sa movie na ito, kahit sobrang lamig. To the point na nginig na nginig na po kaming lahat. We’ve done our best,” esplika pa ni Rowan.