Advertisers

Advertisers

Digitalization ng records sa Konseho, 80% finish — VM Yul

0 302

Advertisers

IPINAHAYAG ni Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer Yul Servo-Nieto na ang digitalization ng lahat ng records sa city council ay 80 percent ng tapos.

Sa kanyang pagdalo bilang panauhin sa buwanang ‘Balitaan’ news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), sinabi ni Servo-Nieto na kabilang sa digitalization ng lahat ng records ng Manila City Council ang mga ordinansa at resolusyon.

Ito, ayon sa kanya ay upang gawin na mas accessible sa kahit na kanino ang mga records, ordinansa at resolusyon lalo na sa mga kabataang estudyante.



Kapag natapos na, ayon kay Servo-Nieto, ang pagsi-search sa council records ay magiging click o tap away na lamang dahil madali na itong ma-access gamit ang computers at cellphones.

Ang mga records na isasalin sa digital format ay lahat ng ordinansa at resolusyon na naipasa sa Manila City Council mula pa noong 1908.

“Nakakatuwa at malaking tulong sa mga kabataan o sinuman na ang records natin ay maisasalin sa digital format. Sa tulong ng internet, isang pindot mo lang o i-type mo lang ang author nung ordinance, lalabas na agad ito sa kung anumang search engine ang ginagamit mo, tulad ng Google halimbawa,” paliwanag ng vice mayor.

Ayon pa sa bise alkalde ay napakadali na lang ma-access ang records ng Konseho at ito ay sa pagta- type lang ng key words ng hinahanap na records sa Google halimbawa at lalabas na ang Manila City Council records na hinahanap.

Sinabi din ni Servo-Nieto sa ‘MACHRA’s Balitaan’ news forum na ang full digitalization ng mga council records ay matatapos na sa first quarter ng taong kasalukuyan.



Ang hakbang na ito, ayon sa kanya ay upang makasabay ang Manila City Council sa modernisasyon ng panahon.

“Yung iba kasing mga city ordinances ay hindi mo makikita kahit sa Google,” ayon pa kay Servo-Nieto.

Mahalaga ayon pa sa bise alkalde na ang mga residente ng Maynila ay magkaroon ng madaling access sa mga umiiral na lokal na batas na siyang gumagabay sa lungsod. (ANDI GARCIA)