Advertisers
HINDI maiwasan ng ilang dumadaan sa isang footbridge sa Quezon City na mangamba para sa kanilang kaligtasan dahil umaalog na ito lalo na kapag maraming tao. Pero paliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) normal lang ang nararamdaman na tila pag-alog ng naturang daanan.
Matatagpuan ang naturang footbridge sa kanto ng EDSA at Roosevelt Avenue.
Nag-viral kamakailan sa TikTok ang isang video na nagpapakita ng pag-alog ng footbridge kapag maraming tao.
Kinumpirma ng ilang dumaraan na ramdam nila pag-alog ng footbridge kungsaan umaabot minsan sa itaas ang pila ng mga pasaherong sumasakay EDSA Bus Carousel.
Mas ramdam raw ang pag-uga kapag may dumadaan na bus sa ibaba.
Gayunman, tiniyak ni MMDA Chairman Romando Artes na ligtas gamitin ang footbridge at walang dapat na ikatakot ang mga gumagamit nito.
Upang makatiyak pa rin, sinabi ni Artes na inatasan na niya kaniyang mga tauhan para suriin ang nasabing footbridge.