Advertisers
MAGUGULAT ang sinuman na magagawi sa dalampasigan ng Manila Bay. Makikita niya na mayroon lima o anim na reclamation project na kasalukuyang minamadaling tapusin bago ang tag-ulan sa kalagitnaan ng 2023. Tinatapos ng mga project proponent ang kani-kanilang proyekto sa Manila Bay. Magkasamang bato, buhangin, at lupa ang itinatabon sa ilang bahagi ng Manila Bay.
Sa susunod na dekada, anim na malaking urban center ang itatayo sa mga reclamation project sa Manila Bay upang magbigay ng kompetisyon sa mga commercial-residential center sa downtown Manila at Chinatown, Ayala Central Business District sa Makati City, Cubao Business District at Trinoma sa Quezon City, Bonifacio Global Center sa Taguig City, at iba pa.
Lubhang mahirap kumuha ng malaking parcel ng lupa sa Metro Manila para gawin ang mga real estate project. Maraming developer ang nangingilag dahil sa sobrang mahal ang halaga ng mga piraso ng lupa. Hindi madali na lusutan ang mga suliranin sa karapatan na makadaan, o “right of way issues.” Idinadaan ang mga ganitong isyu sa hukuman.
Isang paraan ang land reclamation sa Manila Bay dahil mas mura ito imbes bumili ng mga rawland sa Metro Manila. Hindi kailangan makipag-usap ang mga developer sa maraming tao upang gumawa ng mga bagong proyekto. Sa batas, may poder ang mga local government units (LGUs) na magsagawa ng reclamation project. Malaya silang pumili ng kanilang partner mula sa pribadong sektor.
Tatlong siyudad ang may reclamation project sa kani-kanilang teritoryo sa Manila Bay – Navotas City, Maynila, at Pasay City. Nakakuha sila ng kani-kanilang Notices to Proceed mula from the Philippine Reclamation Authority (PRA), ang sangay ng gobyerno na may poder ha hawakan ang mga land reclamation project, at kani-kanilang private partners.
Nagproprotesta ang mga environmental group kontra mga land reclamation project sa Manila Bay. Nagbabala sila ng masamang epekto tulad ng matinding baha at mapanganib na storm surges, o malalaking alon, sa panahon ng tag-ulan, ang pagkawasak ng wildlife sa Manila Bay area, at pagkamatay ng ecosystem ng Manila Bay.
Inilunsad kamakailan ang kampanya ng kanilang pagkabahala sa iba’t ibang forum, kasama ang husgado. Humingi sila ng injunction at writ of kalikasan, isang utos mula sa hukuman upang pigilan ang pagwasak ng kaligiran. Kamakailan, inilunsad ang kampanyang pampubliko na tinawag na “No to Land Reclamation in Manila Bay.”
Halos natapos na ang Navotas City Coastal Bay Reclamation Project, isang 650-ektarya joint project ng City of Navotas at San Miguel Corporation (SMC). Nag-umpisa ito noong 2019 at nasa estado na ito ng soil stabilization process upang patatagin ang reclaimed land at magamit sa pagtatayo ng iba’t ibang imprastraktura tulad ng kalsada, drainage system, gusali, bodega, at rowhomes para sa pabahay. Opisyal na tinawag ito na Navotas Boulevard Business Park. Tinatayang aabot sa P57.4 bilyon ang buong proyekto.
Susuportahan ng proyekto ang P735 bilyon na Bulacan International Airport, ang proyekto ng SMC sa susunod na limang taon. Ilalagay dito ang MRT Navotas City, aviation depot para sa bagong paliparan, sports center, biotech park para sa mga kumpanya sa gamot, aviation academy, hotels at restaurant, condo and rowhomes. Tinawag itong “bakod sa Bulacan” (gateway to Bulacan).
Dalawang land reclamation project ang susulpot sa territorial water ng Pasay City sa Manila Bay. Ang unang proyekto ay ang 360-ektarya SM New Bay City na nagkakahalaga ng P75 bilyon sa likod ng Mall of Asia. Kasalukuyang ginagawa ang proyekto at magkasama ang City of Pasay at SM Prime Holdings sa pagbuo ng tatlong magkakatabing isla. Magkakaroon ito ng mga condo, hotel at restaurant, malls, at mga business office.
Ang pangalawang land reclamation project ay ang P72 bilyon na Pasay Harbor Reclamation Project. Bubuin ang 265-ektarya na proyekto ng dalawang isla. Katabi ng proyekto ng SM Holdings at ang project proponent ay ang City of Pasay at isang grupo ng mga pribadong kumpanya. Kasalukuyang tinatabunan ng Royal Boskalis Westminister NV, isang kumpanya ng Netherlands, ang bahagi ng Manila Bay para sa proyekto.
Magkakaroon ang unang isla ng Pasay City Harbor Project ng sea aquarium, water park, camping ground, botanical garden, quay restaurant at hotel, adventure theme park, bikers’ park, museum, at iba pa. Magtataglay ang ikalawang isla ng yacht pier, helipad, port control para sa mga cruise ship, itraktura pasa sa negosyo at entertainment; at high-rise condo.
Tatlong iba’t ibang land reclamation project ang maglalabasan sa territorial water ng Maynila at kasama ng City of Manila ang tatlong iba’t-ibang private proponent. Ang unang proyekto ay ang 148-ektarya Solar City ng City of Manila at Manila Gold Coast Holdings, isang kumpanya na pag-aari ng pamilya Tieng na may interes sa cable TV, satellite communications, at construction. Itatayo ito sa likod ng Manila Yacht Club malapit sa Cultural Center of the Philippines. Gagamit ito ng solar panel sa bawat gusali.
Katabi ng Solar City project ang ikalawang proyekto, ang 419-ektarya Horizon Manila project na itinatayo ng City of Manila at JBros, isang hindi kilalang kumpanya sa construction na kasama ang mangangalakal na si Ricky Razom bilang “silent partner.” Mayroon ang P60 bilyon ang halaga ng project na may tatlong isla na halos iisa ang sukat.
Nag-umpisa na itayo ang 318-ektarya Manila Waterfront reclamation project ni William Gatchalian, ang mangangalakal na ama ni Senador Sherwin Gatchalian. May halaga ang proyekto ngt P100 bilyon at itatayo ito sa likod ng Quirino Grandstand. Nabigyan ni dating Alkalde Isko Moreno ng go-signal ang tatlong reclamation project. Binigyan sila ng PRA ng Notice to Proceed.
Mayroon 25 iba’t-ibang land reclamation project ang nakaplano sa Manila Bay. Kasama sa kanila ang 1,600-ektarya reclamation para sa Sangley Point International Airport, ang 1,300-ektarya Bacoor City Reclamation Project of the Century Pack Corporation ng negosyanteng si Wilfredo Keng at ang panukalang 287-ektarya Paranaque City Wetland Park na tinutulan ni Sen. Cynthia Villar.
***
BUKAS (Sabado), dadalo sa Saturday Media Forum ang grupo ng mga biktima ng bank scam. Pangungunahan sila ng isang 80 anyos na retiradong propesora na naging biktima ng sindikato. Kinakatawan ng mga biktima ang bagong tatag na grupong Coalition of Bank Scam Fraud. Ihahayag nila sa publiko ang modus operandi ng mga sindikato na bumiktima ng libo-libong depositor. Karaniwang biktima ang mga senior citizen na hindi sanay sa online banking.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “When ABS-CBN transferred some great programs like “Buhay Artista” and “Tang Tarang Tang” from radio to TV in mid-1960s, the move met many quizzical brows. Those days, few households had TV sets. But ABS-CB was prescient enough to understand that TV had come of age in the PHL. By 1970s, majority of houses had TV sets. The same is happening now. No need for TV when almost everybody has his gadgets to watch those programs online. The digital technology is now with us. The digital age is here.” – PL. netizen, kritiko
***
Email:bootsfra@yahoo.com