Advertisers

Advertisers

Sa planong pag-aangkat ng sibuyas… ‘LOKAL NA MAGSASAKA BIGYAN NG SUBSIDIYA’ — BONG GO

0 199

Advertisers

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na bigyan ng subsidiya ang mga lokal na magsasaka kapag natuloy ang pag-aangkat ng sibuyas sa layong punan ang kakulangan at pababain ang presyo nito sa merkado.

Ayon kay Go, dapat unahin ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka at manggagawa sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong pinansiyal.

“In fact, kailangan na i-subsidize ang mga local farmers natin just to cross lang po ‘yung harvest season. Suportahan po natin sila. Itong pag-i-import naman po, kung kailangan talaga to stabilize the price,” ayon sa senador.



Mahigit 25% lamang o 5,775 tonelada ng sibuyas araw-araw ang aangkatin ng Pilipinas ngayong buwan, ayon sa Department of Agriculture.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam na ang lokal na supply ng sibuyas ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili sa Pilipinas kaya dapat na aniyang mag-angkat.

Binigyang-diin ni Go na dapat na ring mawakasan ang agricultural smuggling dahil sa masamang epekto nito sa kabuhayan ng mga magsasaka sa buong bansa.

“Unahin ding habulin ang mga smuggler. Mayroon naman tayong anti-smuggling law, parusahan po ang mga smuggler na nagsasamantala at nagkokontrol ng presyo,” ani Go.

“(Pero) wag naman po ang maliliit na kababayan natin na gusto lang naman po siguro na pwede na for their consumption lamang po. Patawarin n’yo na ang mga kababayan natin na gano’n. Kung hindi naman po nakakasakit o nakalalabag sa ating batas, kawawa naman,” dagdag niya.



Hiniling ni Go na ang anumang maling gawain ay dapat na mabilis na tugunan upang ang mga taong responsable ay maiharap sa hustisya at maparusahan.

“Paigtingin po natin ang ating anti-smuggling drive. Mayroon naman po tayong batas. Nandidiyan naman po ang ating (Bureau of) Customs na huhuli at magpaparusa sa illegal smugglers. Kapag nahuli po sila agad, parusahan kasuhan at kung maaari ikulong. Tapos ‘yung sibuyas, balatan mo, ipaamoy mo sa kanila nang maiyak sila,” sabi ni Go.

Sinabi ng mambabatas na suportado niya ang mga pagsisikap na palakasin ang paglaban sa smuggling.

“I am in favor po diyan sa pagbabago na i-digitalize na po ang Customs. Sinusuportahan ko ito. Dapat mas tumutugon ang gobyerno sa mga pangangailangan ng pagbabago ng panahon,” aniya.

Inihain ni Go ang Senate Bill No. 1738 o ang “E-Governance Act” na magtatatag ng integrated, interconnected, and inter-operable information and resource-sharing and communications network.

“Layunin nitong pagbutihin ang trabaho at serbisyo through the use of ICT. Modern times na po tayo sa ngayon, talagang bago na at dumadaan na po sa digital form na ang lahat,” ani Go.