Advertisers
Patay ang isang binatilyo nang saksakin ng kaklase dahil umano sa selos. Nangyari ang insidente sa Culiat High School sa Brgy. Culiat, Quezon City.
Kinilala ang namatay na si Mohammad Abtani Alfhasi, 13 anyos, tubong Jolo, Sulu at residente ng Basilan Street, Salaam Compound, Barangay Culiat, Q.C.
Nadakip naman sa follow up operation ng pulisya ang salarin na kaeskwela ng biktima na 15 taong gulang, nakatira sa Cotabato St. Salaam Compound, Barangay Culiat, Q.C.
Matapos saksakin ng salarin ang biktima mabilis itong umalis sa nasabing lugar at iniwang naliligo sa dugo ang biktima.
Lumalabas na sa imbestigasyon, na mayroon hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa selos sanhi upang saksakin ng salarin ang biktima.
Naidala pa umano ito sa New Era General Hospital nguni’t binawian ito na ng buhay.
Nakapiit na ang salarin habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. (FS)