Advertisers
IN-EXTEND ng city government ng Maynila hanggang sa susunod na buwan ang renewal ng business permit sa lungsod.
Batay sa business permit advisory na inilabas ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, nitong Biyernes ng gabi, nabatid na ang business permit renewal ay extended mula ngayong araw, Enero 21, 2023, Sabado, hanggang sa Pebrero 3, 2023, Biyernes, alinsunod na rin sa kautusan mismo ng alkalde.
“BUSINESS PERMIT ADVISORY: Business permit renewal is extended from January 21 – February 3, 2023,” nakasaad pa sa abiso mula sa Bureau of Permits, City Treasurer’s Office at Electronic Data Processing Services.
Nangangahulugan ito na maaari pang mag-renew ng business permits, lisensiya at magbayad ng business taxes at fees ang mga establisimyento na nag-o-operate sa City of Manila ng walang anumang penalty o surcharges, ngunit wala na ring renewal discount.
“Filing of application for renewal of business permits and licenses and the payment of business taxes and fees by establishments operating within the City of Manila, WITHOUT discounts/penalties/surcharges,” ayon sa advisory.
“Be reminded that the renewal discount is not included in the extension,” ayon naman kay Abante.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng Manila LGU ang mga business owners na magbayad na lamang online sa pamamagitan ng Go Manila app, na maaaring i-download sa App Store o Google Play Store, o di kaya ay sa kanilang website mismo na www.cityofmanila.ph.
“We highly encourage every business owner to pay online through the Go Manila app which can be downloaded through the App Store or Google Play Store. You may also access the website at www.cityofmanila.ph,” anito pa. (ANDI GARCIA)