Advertisers
Umakyat na sa 38 katao ang nasawi at 12 ang sugatan habang 5 ang missing dulot ng pagbuhos ng malakas na pag-ulan sanhi ng shearline at amihan sa bansa ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa datos na inilabas ng NDRRMC, 12 katao ana nasawi sa Zamboanga Peninsula, tig 8 katao ang nasawi sa Bicol Region at Northern Mindanao, 7 katao nasawi sa Eastern Samar at tig 1 katao ang nasawi sa Mimaropa, Davao Region at Socccksargen. Habang 12 sugat at 5 missing.
Umabot naman sa kabuan 475,981 pamilya o 1,941,146 katao ang naapektuahn mula sa 2,516 barangay kung saan 21,607 pamilya o 88,660 katao mula ang nanatili sa 316 na mga evacuation habang 8,439 pamilya o 27,976 katao ang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.
Umabot naman sa kabuan 1,780 mga kabahayan ang napinsala kung saan 1,232 kabahayan ang nasira habang 548 kabahayan ang nawasak na nagkakahalaga ng P3,726,000 mula sa Cagayan, Mimaropa, Bicol Region, Western Visaya, Eastern Visaya, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Socccsksargen, Caraga at BARMM.
Nasa P751, 967,912.6 million halaga ng pinsala agriculture habang P280, 297, 224.68 million halaga ng napinsala sa infrastucture.
Nasa 3 lalawigan, 17 siyudad at munisipalida at 1 barangay ang isinailalain na sa state of calamity.
Nagkakahalaga ng P101.1 million tulong ang naipagkaloob sa mga apektadong pamilya.(Mark Obleada)