Advertisers
BUMANGON ang Los Angeles Lakers mula sa 25-point halftime deficit upang resbakan ang Trail Blazers, 121-112.
Kumamada si LeBron James ng 37 points at 11 rebounds para pamunuan ang Los Angeles (22-25) habang nagposte si Thomas Bryant ng 31 points at 14 rebounds.
Pinamunuan ni Anfernee Simons ang ikatlong sunod na kamalasan ng Portland (21-25) sa kanyang 31 points at tumipa si Damian Lillard ng 24 points at 10 assists.
Kumamada ang Lakers ng 40 points sa third period matapos iwanan ng Blazers sa halftime, 71-46, patungo sa pag-agaw sa 98-97 lead galing sa 3-pointer ni Bryant sa 7:54 minuto ng fourth quarter.
Ang dunk ni Bryant ang naglayo sa Los Angeles sa 114-107 sa huling 2:23 habang hindi na nakadikit ang Portland.
Sa San Francisco, isinalpak ni forward Royce O’Neale ang isang go-ahead three-pointer sa huling 28.5 segundo para sa 120-116 panalo ng Nets (29-17) sa nagdedepensang Golden State Warriors (23-24).
Sa Dallas, naglista si Kawhi Leonard ng 30 points at may 21 markers si Paul George sa 112-98 pagdaig ng LA Clippers (25-24) sa Mavericks (25-23).
Sa Phoenix, tumipa si Chris Paul ng 22 points at 11 assists sa 112-110 pagtakas ng Suns (24-24) sa Memphis Grizzlies (31-15).
Sa Miami, nagpasabog si Tyler Herro ng game-high na 26 points sa 100-96 pagsunog ng Heat (26-22) sa New Orleans Pelicans (26-21).
Sa Denver, ipinasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang isang 8-foot jumper sa huling 9.2 segundo sa 101-99 pag-eskapo ng Nuggets (33-14) sa Oklahoma City Thunder (23-24).