Advertisers

Advertisers

Allen inamin, hindi ander sa misis

0 584

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BILANG isang aktor, wala nang kailanga ng patunayan pa ang multi-awarded at internationally-acclaimed actor na si Allen Dizon pagdating sa pag-arte.
Sa major award giving bodies kasi at maging sa A-list film festivals abroad, masasabing quotang-quota na siya sa dami ng parangal at tropeong naiuwi.
Pero para kay Allen, wala pa siyang balak magretiro sa pag-arte dahil mahal na mahal niya ang kanyang craft.
Sa taong ito bilang pangbuwena mano, mapapanood si Allen sa pelikulang “Latay” na ginagampanan niya ang papel ni Nardo, ang battered husband na biktima ng bayolenteng misis na binibigyang buhay ni Lovi Poe.
Bago pa man maipalabas sa mga sinehan sa bansa, naglibot muna at humakot ng awards ang nasabing obra ni Ralston Jover sa mga prestihiyosong international filmfests.
Sa 23 awards na napanalunan nito locally at abroad, ilan sa awards nito para kay Allen ay ang acting award of excellence in acting sa 7th Art Independent Film Festival sa India at Best Actor sa 10th International Film Festival Manhattan sa Estados Unidos.
Wagi rin ito ng best actor trophies kay Allen sa 19th Gawad Tanglaw at 69th Famas Awards.
Ayon pa kay Allen, isa ang pelikulang “Latay” na masasabi niyang espesyal sa kanya dahil sa kakaibang tema at adbokasya nito.
“May advocacy din kasi ito na protektahan ang karapatan ng mga kalalakihan sa pang-aabuso. Hindi lang kasi mga kababaihan ang naaabuso, meron din kasing mga lalakeng biktima ng domestic violence tulad ng battered husbands. Iyong iba pa nga, naipatu-Tulfo pa. So sana, maging instrumento ang pelikula para makita ng mga tao o pati na ng gobyerno ang kalagayan ng mga inaabusong kalalakihan at mabigyan din sila ng proteksyon sa batas,” ani Allen.
Ani Allen, bilang battered husband ni Lovi sa “Latay”, nagkapisikalan daw talaga sila sa pag-e-execute ng ilang maseselang eksena nila sa pelikula.
“Kahit chinoreo namin ni Lovi iyong eksena, nahirapan talaga kami dahil hindi maiiwasang magkapisikalan kami, lalo na iyong karakter ko na bugbog-sarado niya sa pelikula. Tapos ang liit pa noong kuwarto so talagang nagkaroon kami ng bruises sa aming confrontation scenes,” pahayag niya. “At saka dahil lalake ako at ang laki ko sa kanya, dahil nadala na rin kami, wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang mga bugbog ko sa kanya,”dugtong niya.
Hirit pa niya, kahit hindi raw siya iyong tipong inaander ng misis sa tunay na buhay, nakakaramdam din daw siya ng simpatiya sa karakter ni Nardo.
Payo pa niya, kung may problema raw na pinagdadaanan ang mag-asawa, mas makabubuting pag-usapan ito at iresolba at kung hindi naman madadala sa mapayapang usapan ay mas makabubuting maghiwalay na lang sila.
Dagdag pa niya, ang main foundation daw kasi ng union ng couple ay love at respect at kung wala na ang isa man sa mga ito, hindi na puwedeng mag-work ang anumang relationship.
Mula sa produksyon ng BG Films ni Madame Baby Go with Dennis Evangelista, Ferdy Lapuz at Jean Go-Marasigan as co-producers, ang pelikula ay idinirehe ng award-winning director at writer na si Ralston Jover.
Mapapanood din sa Pebrero 8 sina Snooky Serna, Mariel de Leon at Soliman Cruz.