Advertisers
ANG sabi nitong dati nating National Security Adviser na si Propesora Clarita Carlos, kaya sa bumitaw sa tungkulin ay pagkarami-rami raw na pwersa ang ayaw sa kanya.
Pipitong buwan pa lamang bilang NSA, itong si Aling Clarita ay binigay na, dahil sa sinasabi niyang malakas na pwersa. Sino o ano bang pwersa ang tinutukoy niya?
Di nga raw niya inaasahan ang ganitong biglaang pagbitaw niya. Pero bakit ayaw niyang pangalan ang pwersang sinasabi niya?
Ang sabi lamang nitong retiradong Propesora ng University of the Philippines, kanya lamang pangalan ang mga tao o pwersang nagpabitiw sa kanya sa kanyang tungkulin, sa isang ‘memoir’ na kanyang isusulat at ililimbag matapos ang termino ni Pangulong Bong Bong Marcos.
Pahiwatig pa ng Ale, di naman niya hiningi o hiniling Kay PBBM na gawin siyang NSA, at bilang isang political scientist, agad niyang nararamdaman kung may mga pwersang kumakalaban sa kanya para magmukha siyang walang kaalam-alam sa kanyang tungkulin.
Noon nga raw nakausap niya si PBBM ng mga nakaraang linggo bago siya nagbitiw, natalakay nila ang landas na dapat tahakin para sa pagbabantay ng seguridad ng bansa. Ang kanilang paghaharap ni PBBM ay noong bago pa pangalanan si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong NSA.
Kaya nga raw siya nagbitiw ay para magtagumpay ang Pangulo sa kanyang mga adhikain. At kung ang kanyang pagbibitiw ang nagsisilbing pamamaraan para magtagumpay si PBBM, kanya na agad itong ginawa.
Maganda ang pagkakaalis niyo, Aling Clarita. Graceful exit, ika nga. Pero sa Gandang akin Propesora, ang posisyon o pagiging NSA ay talagang kinakailangan may bayag o tapang para siguraduhin ang seguridad ng bansa.
Hindi kailangan na magaling lamang ang isang NSA o sabihin na nating ‘academe’. Kailangang ang itatalagang NSA ay talagang may ‘bayag.’