Advertisers

Advertisers

Nabuntis kasi noon…Jennylyn game na gawin ang naudlot na serye sa Kapuso; Mark Anthony pang-romansa na ang bagong katawan

0 220

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

LOOKING forward na ang Kapuso actor na si Xian Lim na matutuloy na rin sa wakas ang naudlot na serye nila ni Jennylyn Mercado, ang “Love, Die, Repeat”.
Kung matatandaan, unang proyekto sanang gagawin ni Xian ito sa GMA7 pagkatapos na maging official na Kapuso siya pero habang nasa kasagsagan ng kanilang taping sina Jennylyn at Xian ay biglang hinimatay si Jen at sinugod sa ospital.
Doon ay nalaman na buntis ang aktres na naging dahilan para pansamantalang matigil ang pagti-taping at gumawa na rin ng ibang proyekto si Xian.
Tsikang anytime soon ay gagawin na ulit nina Jen at Xian ang kanilang serye, lalo pa tapos na rin naman si Xian sa serye nila ni Ashley Ortega na “Hearts on Ice”.
“When we started ‘Love, Die, Repeat,’ ‘yun talaga ang peak ng COVID. It was very strict, bawal magkita ang lahat-lahat. So I’m hoping and I’m pretty sure na once we resume mag-iiba rin ang dynamics,” sabi ni Xian.
“Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish “Love, Die, Repeat” once I am ready to work again,” saad naman ni Jennylyn.
***
ISA sa mapalad na Vivamax leading actor na masasabi ay si Mark Anthony Fernandez. Tuluy-tuloy lang ang mga pelikulang kasama siya ang ipinapalabas. Tulad na lang ngayon, ang ‘Bela Luna’ na katambal niya ang tinuturing na Vivamax Queen na si Angeli Khang, kasama sina Kiko Estrada and Julio Diaz.”, produced by Viva Films, written by National Artist Ricky Lee and directed by Mac Alejandre.
Sa “Bela Luna” ay dual role ang ginampanan ni Angeli at sa isa sa dalawang Angeli ang lalabas na lover ni Mark Anthony.
He plays a criminal who makes Angeli Khang his hostage while he is being pursued by cops. Soon, romance blooms between the kidnapper and the hostage. Angeli is the battered wife of Julio Diaz who often uses her against her will.
Isa sa masasabing puhunan ni Mark Anthony kung bakit in demand siya sa mga sexy and daring role and even get more daring, ay ang kanyang physique.
“Well, mas matapang ako ngayon kasi pinaghirapan ko naman ang porma ng katawan ko ngayon. “Talagang nage-ensayo ako everyday at hinahanap na ng katawan ko kapag hindi ako nakapag-exercise.
“I’d say I’m more fit now than when I was much younger, so I feel puede naman akong maging mas daring sa movies that I do now.”