Advertisers

Advertisers

PHILIPPINE OFFICIALS NAPAPAKILOS KUNG PATAY NA ANG OFW’s?

0 206

Advertisers

Itinuturing na BAYANI ang ating OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW) dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng ating bansa; subalit sandamakmak na paghihirap at malaimpyernong trato na ang dinadanas sa mga employer ay tila manhid ang ating mga PHILIPPINE OFFICIAL sa mga humihingi ng asiste na mapapakilos lamang kung may namatay na OFW?

Marami sa ating mga kababayan na nakikipagsapalaran sa pagtatrabaho sa ibang bansa na legal lahat ang mga naging proseso, subalit pagdating nila sa kanilang employer sa ibang bansa ay hindi na nasusunod ang mga isinasaad sa kontrata at maging sa dapat na susuwelduhin.., palibhasa dumaan sa proper seminar orientation ang ating mga kababayan bago sila makaalis sa ating bansa para sa mga dapat nilang gawin kapag nagkaroon na sila ng problema sa pagtatrabahuan ay agad na silang nakikipagkomunikasyon sa ating mga kinauukulang mga opisyal sa bansang kanilang kinaroroonan.

Pero, ang mga inaasahan nilang proteksiyon mula sa ating mga naitalagang opisyales ay tila ‘PAASA’ lamang at walang magiging aksiyon.., o kaya naman ay kakausapin lang ang employer at ang domestic helper ay mananatili pa rin sa poder ng employer.., aysus e lalong dadanas ng pahirap ang nagpapasaklolo kasi gaganti ang employer dahil sa pagsusumbong ng domestic helper. Hindi ba dapat ay kinukuha na sa employer ang domestic helper para huwag na itong paghigantihan?



Ang mga ganitong sistema ang dapat na nilulutas ng ating mga GOVERNMENT OFFICIAL upang maibigay ang REAL PROTECTIONS sa ating mga OFW habang sila ay nabubuhay pa at hindi iyong kakaripas sa pagkilos kung namatay na ang OFW o kaya ay masasalang na sa PARUSANG BITAY ang pobreng OFW na ginahasa na ay siya pa ang naipakukulong ng employer.

Ang mga OFW ay nagagawa nilang makapagsumbong sa pamamagitan ng social media o kaya ay email na ipinapadala nila sa iba’t iba nating GOVERNMENT OFFICIALS.., na dapat ay magtalaga ng maraming staff para ang mga ito ang magmomonitor at agad na sumasagot sa karaingan ng ating mga kababayan.., pero buwan na ang lumipas o kaya ay namatay na ang nagpapasaklolo ay tila walang GOVERNMENT OFFICIALS o STAFF nila ang nagbubukas o nagbabasa sa kanilang mga official website o official email ad…, puro pakikipagsosyalan o paglalamiyerda na lamang ba ang ating mga GOVERNMENT OFFICIAL na nakatalaga sa iba’t ibang bansa na dapat ang pangunahin nilang katungkulan ay maproteksiyunan ang kapakanan ng lahat nating mga OFW ay tila binabalewala?

Tulad na lamang sa mga OFW na na sina DELLY JANE CORPUZ at ANNALYN OBRA SARENAS na nasa KUWAIT ay nakipagkomunikasyon na sa mga kinauukulan hinggil sa kanilang dinadanas na pagmamaltrato mula sa kanilang amo.., nag-email na ang mga ito tulad sa tanggapan nina STATE OF KUWAIT AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES MUSAED SALEH A M ALTHWAIKH; PHILIPPINE AMBASSADOR TO STATE OF KUWAIT MOHD NOORDIN PENDOSINA LOMONDOT; PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE (POLO) STATE OF KUWAIT, LABOR ATTACHE NASSER MUSTAFA; OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA) ADMINISTRATIR ARNALDO “ARNEL” IGNACIO; DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS (DMW) SECRETARY SUSAN V. OPLE; DMW UNDERSECRETARY FOR LICENSING AND ADJUDICATION BERNARD OLALIA at DMW UNDERSECRETARY ON WELFARE AND FOREIGN EMPLOYMENT HANS LEO CACDAC.., pero, hanggang isinusulat ang kolum na ito ay wala pa raw tugon sa kanilang inimail.

Sabagay mga ka-ARYA.., ako mismo ay nagtext kay DMW SEC. OPLE nitong January 23, 2023 pero hanggang ginagawa ko itong kolum ay walang naging sagot sa text.., tsk tsk tsk!

Nitong January 23, 2023 ay inimail ng ARYA si DELLY JANE CORPUZ para alamin kung may mga GOVERNMENT OFFICIAL na inimail niya ang umaksiyon sa kaniyang problema ay eto ang kaniyang eamil reply. ., “Un nga po sir wla po eh …sir ngmamakaawa po kmi sa inyo n sana mtulungan nio kmi ….hinamon kmi ng amo nmin n kmi ang bibili ng ticket nmin pauwi nag deal po kmi….ngayun merun n nman pong cnbi na iba…..please sir action nio n kmi….nkbili n po aq ng ticket pauwing pinas ngayun drting na January 30 2023 sir …slmt ng mrmi sir.”



Samantala, ang impormasyong natanggap ng ARYA ay…

Si Annalyn Sabrenas, mtapos pangakuang ppauwiin n s Pinas (n ang knyang sarili suweldo ang ggastusin s pgbili ng ticket), ibinalik siya khapon ng knilang amo s foreign recruitment agency, iniaalok, ibinebenta n siya s ibang employer para raw mbawi ang ginastos s pg hire s knya ng knyang amo

Samantala, si Delly Jane Corpuz, pinayagang umuwi s 30 January 2023 pero siya ang bumili ng knyang plane ticket. HINDI p ibinabalik ng knilang amo ang passport nila. Ippa cancel n raw ang knyang civil ID, etc.

PAGING GOVERNMENT OFFICIALS… dapat ay agarang aksiyon sa mga OFW na nagpapasaklolo habang sila ay nabubuhay pa at hindi kung kelan patay na ay saka magpapakitang ‘di-magkandaugaga sa mga pagkilos ang ating mga opisyal.., AANHIN PA ANG PAPURING “BAYANI” KUNG PATAY NA ANG MGA NAGPAPASAKLOLONG OFW’s!!!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.