Advertisers

Advertisers

DoJ at Customs ang problema sa talamak na smuggling

0 145

Advertisers

KAYA hindi matigil-tigil ang talamak na smuggling sa Pilipinas ay dahil narin sa bulok na sistema ng hustisya at ang pakikipagsabwatan mismo ng customs officials sa mga smuggler.

Sabi, daan daan o libong kaso na ang isinampa ng Bureau of Customs (BoC) laban sa mga smuggler, pero natutulog lang daw pagdating sa piskalya, kundi man ay nababasura lang.

Kapag umakyat naman ang kaso sa korte, kaagad nababasura dahil sa mahinang presentation ng mga ebidensiya ng piskal o prosecutor. Maaring sadyang pinahina ang kaso. You know!



Milyon milyon kasi ang nagiging usapan kapag sinampahan ng reklamo ang isang smuggler, lalo kung malaking halaga ang kontrabando. ‘Economic sabotage’ ito. ‘No bail’ kapag isinampa sa korte.

Kaya sa Piskal palang ay ginagapang na ito ng mga abogado ng smuggler, sisilawin ng pera ang Piskal para ibasura kundi man ay tulugan nalang ang reklamo.

Pero kung talagang seryoso ang Customs na ipakulong ang smuggler, maari nilang iapela sa Justice Secretary mismo ang kasong ibinasura ng Piskal. Ang Piskal ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice (DoJ).

Oo! Kung seryoso si Justice Secretary “Boying” Remulla na mapatino ang mga opisyales ng Customs at matigil na ang talamak na smuggling sa bansa, dapat siyang magtatag ng task force na magmo-monitor sa mga reklamong isinampa laban sa mga smuggler. Kaso baka pati task force ay masilaw rin sa kinang ng kuwarta ng smuggler. Yun lang!

Again, naniniwala ako na sa Piskal palang ay nagkakaayusan na kaya walang umaakyat na kaso ng smuggling sa korte. Ito ang isa sa mga dapat tutukan ngayon ni Sec. Boying, Sir!



***

Sabi ni Senadora Cynthia Villar, sa dami nang kinasuhang smuggler, wala manlang daw napakulong.

Ito na nga ang sinasabi ko sa unang bahagi ng kolum na ito na kaya walang napapakulong na smuggler ay dahil tinutulugan lang sa piskalya, kundi man ay nababasura dahil sa mga mahinang ebidensiya na maaring sadyang pinahina ng taga-Customs para hindi umakyat ang kaso sa hukuman.

Naniniwala ako na ang mga isinasampang reklamo ng Customs sa mga smuggler ay moro-moro lang, pakitang-gilas lang kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. Mismo!

Mantakin nyo, mga pare’t mare, simula nang maging journalist ako, 30 years na ngayon, wala pa akong nababasa na nabitay… ehek! nakulong na smuggler sa kabila ng napakarami nang napaulat na nahuling mga kontrabando na nagkakahalaga ng daan daang milyon!

Sa mga imbestigasyon ng Kamara at Senado, paulit-ulit na nababanggit ang pangalan ng mga smuggler at consignees pero wala paring nakukulong, kasi nga sa Piskal palang ay nadi-dismiss na!

Dito sa administrasyong Marcos, Jr., na siya mismo ang kalihim ng Department of Agriculture, tingnan natin kung may makukulong na smuggler ng agri products. Marami na raw kinasuhan na smugglers si BoC Commissioner Yogi Ruiz. Let’s see kung saan aabot ang kanilang isinampang mga reklamo kuno.

Tutukan!