Advertisers
Karaoke bar o casa ba? ang isang establisamento sa Airport Road St. sa Baclaran Lungsod ng Parañaque . Ayon sa aking bulong brigade na naging parokyano sa lugar na nakapag VIP sa ARCHO-II videoke bar, wala na aniyang alak sa VIP sa halagang P2,500 kasama na ang babae kung saan all the way aniya ang labanan. Front lang aniya ang table kunwari sa baba at kapag may kausap na babae o GRO dun na iaalok ang hidden operation ng naturang videoke bar. Noong nakaraang taon ng Disyembre nabanatan din ng ilang pahayagan ang naturang bar dahil sa pagpapasayaw ng hubad at matapos na itigil ito ang panibagong operasyon aniya na tila casa na ang VIP room nito dahil sa wala ng alak at all the way pa. Gaano kaya katotoo ang natanggap natin na impormasyon na ito mula sa ating bubwit? Alam kaya ito ng ating mga kapulisan na nakakasakop sa lugar? Bulong pa ng ating bubwit mukhang wala din business permit ng naturang bar? Totoo ba ito?
Samantala nasa higit 50 Disco KTV Bar kabilang na ang mga Gay Bar ang matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue, Airport Road at Roxas Blvd. sa Pasay City at Parañaque City ang napaulat na lantarang nagpapalabas ng malalaswang panoorin partikular na ang panandaliang aliw sa loob ng mga VIP room.
Ayon sa source, kabilang sa mga bahay aliwan na nagpapalabas ng BOLD SHOW ay ang DYNASTY, APOLLO, APEIRO, THE BAY ENTERTAINMENT KTV, STUDIO 2, 798 KTV, JERO, ALICE ANGEL KTV BAR, BOOM BAR KTV, WHITE BIRD, at iba pa na ilang metro lamang ang layo sa Redemptorist Church sa Baclaran.
Sinabi ng source na pawang mga menor-de-edad ang mga nagsasayaw ng walang saplot ang katawan maging ang mga macho dancers sa Gay Bar ay naglalako din umano ng panandaliang aliw sa mga japayuki matrona at bading kaya dinadayo ng mga banyaga ang mga nabanggit na bahay aliwan dahil pagsapit ng dilim ay nagsisimula na ang hubaran at kababuyan.
Binalewala din umano ng may-ari ng mga nabanggit putahan ang city ordinance ni Pasay City Mayor Emi Calixto -Rubiano at Parañaque City Mayor Eric Olivarez na nagbabawal sa pagpapalabas ng malalaswang panoorin.
Subaybayan natin!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.