Advertisers
Laro ngayon
Ynares Antipolo
(3:00pm) Phoenix vs. Blackwater
(5:45pm) Rain or Shine vs. TNT
NAUNGUSAN ng Talk N’ Text ang Phoenix 123-119 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Colesium Miyerkules ng gabi.
Pinangunahan ni Jalen Hudson ang opensa ng Tropang Giga sa kinamadang 34 points, 10 rebounds at pitong assists.
Nag-ambag naman ng 21 points si Roger Pogoy habang mayroong 17 points si Calvin Oftana.
Ito ang unang panalo ng Texters sa pamumuno ni coach Jojo Lastimosa na pansamantalang humalili kay Chot Reyes abala ngayon sa coaching ng Gilas Pilipinas.
Sinabi ni Lastimosa na marami pang mga adjustments itong gagawin na kaniyang ipapatupad sa mga susunod na laro nila.