Advertisers
IBA ang sinasabi ng ilan sa pagpunta ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) sa Davos, Switzerland para dumalo sa World Economic Forum (WEF). Kesyo lamiyerda lamang daw ito, at sinayang ang malaking pondo para lamang magbakasyon ang Pangulo at kanyang pamilya kabilang na ang opisyal ng pamahalaan.
Di ko na tutukuyin pa isa-isa kung sino ang mga nagkakalat ng mga ganitong mga iñuendos kasama na Ang ibang malalaking media outfit na walang ginawa kung di siraan ang kasalukuyang Administrasyon.
Mahalagang itama natin ang maling balitang ito. Sa totoo lang malaki ang nagawa ni PBBM sa pagdalo nito sa WEF. Siyam (9) na multinational firms lang naman ang napapayag niya na maglagak ng puhunan at negosyo rito sa Pinas.
Bakasyon at lamiyerda bang matatawag ito? Ang pakikipag-pulong ba sa mga CEO ng malalaking kumpanya ay lamiyerda nang matatawag. Hindi ah!
Naipakilala pa nga ni PBBM ang kontrobersiyal na Maharlika Fund upang maenganyo ang mga negosyanteng mag-invest dito, para umangat din ang ating ekonomiya.
Isa rin sa magandang resulta ng pagdalo ni PBBM sa WEF Forum ay ang pagkaka-kopo sa Astranis, isang US-based provider ng ‘low-orbit satellites’ na makaka-pagpamadali sa pag-gamit ng internet.
Sa isa nga niyang pakikipag-pulong, nadiinan at naselyuhan ang pamumuhunan ng kumpanyang Morgan Stanley, dito sa ating bansa.
Maging ang DP World na
Dubai-based multinational logistics ay nadale ni PBBM maglagay ng industrial park sa Clarkfield sa Pampanga.
Maraming palang “na-accomplish” ang bakasyong ito sa Switzerland. Naipaliwanag pa ni PBBM ang lagay ng ating ekonomiya at kung saan ang direksiyon nitong tinatahak.
Ilan lamang yan sa mga nagawa ni PBBM sa kanyang sinasabi ng iba na pagbabakasyon sa Davos, Switzerland. Kasi kung dudugtungan ko pa, kapusin ang espasyo ko para sa pahayagang ito.