Advertisers
UMISKOR si Damian Lillard ng season-high 60 points,nagpaulan ng 9 na three pointers, upang tulungan ang Portland Trailbalzers na iligwak ang Utah Jazz 134-124.
Si Lillard ay tabla sa second-most sa NBA ngayon season. Donovan Mitchell ay may 71 sa overtime game para sa Cleveland kontra Chicago nakaraang Enero 3, at Luka Doncic nagtala ng 60 sa Dallas overtime victory laban sa New York Knicks December 27.
Jerami Grant nagdagdag ng 19 points para tulungan ang Portland sa kanilang ikalawang dikit na tagumpay.
Lauri Markkanen pinamunuan ang Jazz sa kinamadang 24v points.
Nang pumunta si Lillard sa free-throw line sa game, ang home crowd ay tumayo at sumigaw ng “MVP!” “MVP!” sumablay ang jump shot ni Lillard sa 29.1 segundo nalalabi para sana sa kanyang career best 61.Lillard ay may four career games na 60 points sobra pa narating nya ang 61 dalawang beses.
Sa Milwaukee, kumolekta si star forward Giannis Antetokounmpo ng 33 points at 14 rebounds para sa 107-99 paggupo ng Bucks (31-17) sa Denver Nuggets (34-15).
Sa San Francisco, ipinasok ni Jordan Poole ang kanyang winning layup sa huling segundo ng laro sa122-120 paglusot ng nagdedepensang Golden State Warriors (24-24) sa Memphis Grizzlies (31-17).
Sa Oklahoma City, naglista si guard Trae Young ng 33 points at 11 assists sa 137-132 pagdakma ng Atlanta Hawks (25-24) sa Thunder (23-25).
Sa Los Angeles, nagposte si Anthony Davis ng 21 points at may 12 markers ang bagong hugot na si Rui Hachimura sa 113-104 panalo ng Lakers (23-26) sa San Antonio Spurs (14-34).
Sa Sacramento, nagsumite si Pascal Siakam ng 26 points at 11 rebounds para sa 113-95 pagpulutan ng Toronto Raptors (22-27) sa Pacific Division-leading na Kings (27-20).
Sa Philadelphia, kumonekta si James Harden ng dalawang tres at isang layup sa huling apat na minuto ng laro sa 137-133 paglusot ng 76ers (31-16) sa Brooklyn Nets (29-18).
Sa Houston, tumipa si Kyle Kuzma ng 33 points sa 108-103 pagdaig ng Washington Wizards (22-26) sa Rockets (11-37).