Advertisers

Advertisers

Curry, nagpaulan ng tres sa panalo ng Warriors vs Thunder

0 191

Advertisers

NAGINIT ang opensa ni Stephen Curry upang akayin ang Golden State Warriors sa 129-120 wagi laban sa Oklahoma City Thunder.

Nagpasabog si Curry ng 38 points tampok ang 8 triples, 12 assists at walong rebounds upang iukit ng Wariors ang kanilang pangatlong dikit na tagumpay at pagandahin ang kanilang rekord sa 26-24 sa Western Division.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 28 puntos tampok ang anim na tres.



Tangan ng Warriors ang 15 puntos na benta­he, 63-48 sa break sa pinagsamang 34 points ng ‘Splash Brothers’, rumatsada ang nagdedepensang kampeon ng 12 3-pointers at 21 assists.

Nakalapit ang Thunder sa dalawang puntos sa final canto pero muling bumato ng tres si Curry para muling ilayo ang Warriors sa 115-107 sa huling 2:30 minuto.

Mula dito hindi na nakaporma ang Thunder.

Kumana si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 markers pero hindi sapat para ipanalo ang Thunder na nalasap ang pang 26 na talo sa 50 laro.

Sa Dallas, trinangkuhan ni Luka Doncic ang Ma­vericks para itarak ang 111-105 panalo laban sa Detroit Pistons.



Pumukol si Doncic ng 53 points habang may kinanang 12 puntos si Spencer Dinwiddie para sa Mavs na may 27-25 record.

Sa Phoenix, itinumba ng Suns ang Toronto Raptors, 114-106 sa likod ng 29 points ni Mikal Bridges.

Sa New York, nagsalansan si Kyrie Irving ng 26 points, pitong rebounds at anim na assists para buhatin ang Brooklyn Nets sa 121-104 panalo laban sa Los Angeles Lakers.