Advertisers
Grabe naman itong hepe ng Antipolo PNP!
Hindi natin alam kung tolongges at nabubukulan ng kanyang mga tauhan o sadyang kupal na kinukunsinti ang presensiya ng illegal gambling operations sa kanyang AOR.
Ok lang sana kung holiday season pa ay kaso inabot na ng Valentine’s month ng Pebrero at hayun at mga namamayagpag pa.
Hindi lamang mga sugal lupa ha,pati ang pamoso at walang kamatayang tengwe (jueteng).
Alright sa ok lang sana kung ganitong mga big-time at organized jueteng at online sabong ang di kayang ipatigil ni hepe dahil alam naman natin na malalaking tao ang nasa likod ng katarantaduhang ito.
Pero kung isang peryang may sugal lamang na ang operator ay dayong patay-gutom lamang sa Antipolo,Diyos ko po naman hepe sobra ka namang inutil!
Color games at drop ball lang,pinapatulan mo pa ata.
Pang small- time ka lang ba hepe?
Gaya nga ng andyan sa Barangay Mambugan na matagal nang inirereklamo ang nakaplastar na sugalan sa Sitio Kamias na halos abot- tanaw lang ang Barangay Hall.
Matagal na ring inirereklamo ng simbahan at ng mga debotong namamanata sa St John Mary Vianney Parish Church sa Marilaque Hiway, Brgy. Mambugan ang nasabing salot na pergalan.
Ilang beses na rin natin nabigyan ng aksyon ang problemang ito ng mga sugalan sa Antipolo pero pabalik-balik lang…paalala lang natin sa mga barangay chairman na pinapayagan ang mga ganitong sugalan sa kanilang nasasakupan ay may kaakibat na pananagutan sa kanilang sinumpaang tungkulin…makikita mong nagkalat ang mga mananaya na kung minsan ay may mga bata pa at menor de edad.
Hindi lang sa Brgy. Mambugan kundi halos ng bawat barangay ng Antipolo.
Ano ba yan hepe?
Masyado naman atang halata ang pakay ng ating kapulisan!
Ano bang klaseng Cashundutan este CASHsunduan ang umiiral dyan sa hurisdiksyon mo?
Pera- pera na nga lamang ba ang katapat ng ranggo at uniporme mo hepe?
Ayaw ni Gen.Rodolfo Azurin at DILG Sec.Benhur Abalos ang mga ganyan ka- malatubang pulis, an officer at that.
What a shame!
Naturingan ka pa namang hepe!
Wag mong pababain dahil sa salapi ang pagkatao mo at dignidad.
Madaling kitain ang pera sa maayos at marangal na paraan.
Wag sa pagpatong sa iligal!
Ayos ba hepe?
Nagpapaalala lang at nanggigising sa mga opisyal na nakakalimot at nahihibang sa kalansing ng konting barya!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com