Advertisers
HINDI na expected makasali si V LEAGUE Best Blocker JAJA SANTIAGO sa 32ndSoutheast Asian Games sa Cambodia sa May 2023 biennial event na sasalihan ng Philippine Team, ayon na rin kay PH Women’s national team head coach JORGE SOUZA DE BRITO. ‘I don’t think she can play for our national team, when she finishes the process there in Japan, she can play for the national team for Japan.” Nasa process ang Japan citizenship, engaged na si JAJA kay Japanese Coach TAKA MINOWA, assistant coach ng Japan’s women national team nitong 2022.
Naglaro na kasi si JAJA sa SAITAMA AEGO MEDICS since 2018. As per FIVB rule, ‘the Federation of Origin may be changed when a player has established residence in the country of her new Federation of Origin for a minimum of two consecutive years, the player has obtained the nationality of the country of the new Federation and the player’s old and new Federations agree to the change.’ Last game ni JAJA para sa bansa, 4th place ang pwesto ng Pinas sa 31st SEA GAMES SA Hanoi, Vietnam, 2022.
True, good for Japan, bad for the Philippines, ang follow-up comment ni Coach BRITO, “ I’m always hoping that she can be happy,” Well, at least, kahit sa Japan naman po magseserbisyo si JAJA, isang de kalibreng Pinay volleyball star ang bibida sa ngalan man ng ibang bansa. Good luck!
MANDALUYONG, AABANGAN
SA BAGONG SPORTS VENUE
HINDI maiwasan ang magkumpara sa automatic observation sa ibang lugar particular ang maunlad at maayos na paligid, hindi lang dito sa National Capital Region kundi sa mga siyudad din na tulad ng estado ng ‘TIGER CITY of MANDALUYONG” na parang tigre nga sa bilis at husay ng pag-unlad, in terms of economy, service and development, modesty aside po.
Hindi kasi dating ganun kaganda at komportable sa Mandaluyong, na madalas pang gawing joke, ‘Taga Saan ka, Mandaluyong, sa loob o sa labas? “ Ngayon, magandang sagot ang ‘Sa loob po syempre, kasi sa ganda ng Mandaluyong, ayaw namin sa labas,’ Saksi kami sa stunning na paglago nito na sinimulan ng tinawag naming ‘Father of Modern Mandaluyong’ na si Mayor BENJAMIN S. ABALOS nang sunud-sunod na tumayo ang naglalakihang malls at pamosong commercial establishments hanggang maging city, February 10, 1994, sa joint effort nina Mayor BEN, demised Senate President NEPTALI A. GONZALES at Cong. RONNIE ZAMORA (noong magkasama pa sa district ang Manda at San Juan).
Sa serbisyong itinuloy ng anak na si Mayor BENJAMIN C. ABALOS, JR. aka BENHUR ABALOS, now DILG Secretary, daughter-in-law Mayor MENCHIE AGUILAR-ABALOS at balik-serbisyo si current Mayor BEN ABALOS, kung papasyalan po ninyo ang lungsod particular ang City Hall quadrangle, catchy ang mga bagong building sa joint effort ng ABALOS-GONZALES leadership tandem . Kaabang-abang ang soon-to-rise MANDALUYONG COLOSSEUM, multi-purpose building na eyed venue ng Sports enthusiasts sa sentro ng NCR, very accessible sa lahat.
Sa aming pagkukumpara, hindi lang po peace and order, sementado po hanggang mga suluk-sulok na parte ng lungsod, may trucks na umiikot, humahakot ng basura ilang beses 24 hours, bonus pa ang grupong city daily street sweepers at barangay street cleaners.
We just want to share this para SANA ALL, Blind item muna, may popular city po na kahit subdivisions at mismong sentro ng city, disgusting, kalat ang hindi sementado, batuhan, halong-buhangin at alikabok, ilang years/dekada na as per constituents, pili pa ang once a week na ikot at hakot ng garbage collectors. Basic services pa lang yan. ano pa kaya ang aasahang Sports development pag ganito? Ganda sana ng place, nice malls, hiways, big schools and universities at food chains,.daming bigas. Well, HAPPY READING!