Advertisers

Advertisers

Manila tinaguriang motorcycle pay parking capital of the Philippines

0 162

Advertisers

Dahil sa dami ng mga lugar na pinagpaparkingan ng mga motorsiklo, tinagurian na motorcycle pay parking capital of the Philippines ang lungsod ng Maynila.

Sa kauna-unahang pagkakataon, binansagan ang nasabing lungsod ng maraming motorista at ilan eksperto dahil sa kabi-kabilang pay parking slot ng mga motorsiklo.

Sa mismong city hall ng Maynila ay puno ng mga parking slot ng mga motor ang likuran, tagiliran at gitna maliban sa harapan nito na nananatiling malinis dahil masyado ng sukdulan kung may makikita pa ring mga naka-paradang motor dito.



Lahat ng mga Plaza partikular na ang Plaza Miranda at Plaza Sta. Cruz ay tatlong hilera ang parking slot ng mga motor na halos wala ng madaanan ang ibang sasakyan at pedestrian.

Maging ang mga mall man ay ganito rin eksena ang inyong makikita lalo na sa mga lugar ng Divisoria at mga sikat na mall tulad ng SM na nasa nasabing lungsod.

Nawala na nga ang mga vendor sa mga nasabing lugar dahil napalitan na ang mga pwesto nito ng paradahan ng mga motor na kung saan mas triple naman ang kinikita sa loob lamang ng 3-6 na oras.

Mahusay at tuso anila ang nakaisip ng istilong ito dahil kung mga vendor nga naman ang nakapwesto dito ay maghapon at mag-damag itong nandito sa halagang P20-P30 at mas malaki pa ang nakokonsumong lugar.

Samantalang kung motor nga naman ang nakaparada ay payat ang halagang P50 sa loob lang ng tatlong oras at siguradong may paparada na namang isa hanggang apat na motor sa loob ng isang araw.



Ang mga parking slot na ito ay pinamamahalaan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na maaaring kasosyo ang Department of Public Safety (DPS) at Metro Manila Development Administration (MMDA) na may author ng Mabuhay Road na kailangan daw palaging maluwag sa trapiko he… he… he… tell it to the marines!!!

May mga Chairman din daw na mula pa sa iba’t-ibang barangay ang nakikinabang dito at siguradong nag-kakaroon din kung kaya’t may mga sariling mga kubol ang mga ito partikular na sa Quiapo, Sta. Cruz, CM Recto Avenue at sa buong lugar ng Divisoria.

Pera-pera lang daw at pwera damdamin ang battlecry ng mga grupong ito…trabaho lang at kesehoda ang sinumang masasagasaaan.

Sa karkulasyon ng marami, milyon sa loob ng isang araw ang kinikita ng mga parking slot na ito at pinani-niwalaan ding may kota ito itong dapat masunod.

Pasok kaya sa loob ng kaban ng lungsod ng Maynila ang kinikita at nalilikom na pera ng mga ito o’ baka naman sa bulsa lang ng ilan taong malapit sa administrasyon ni Mayora Honey Lacuna.

MALA-CASINONG PERGALAN SA CUBAO, TULOY-TULOY PA RIN ANG OPERASYON DAHIL UNTOUCHABLE AT MALAKAS ANG KONEKSIYON….
Tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng mala-casinong pergalan sa Cubao, Quezon city dahil sa malakas daw ang koneksiyon nito sa mga awthoridad partikular na sa Central Police District (CPD) at ilan opisyal sa city hall.

Ito daw ang dahilan kung kaya’t ito ay sinasabing ” UNTOUCHABLE” at bawal hulihin ng maski na sinong awthoridad na nakikinabang din sa nasabing pergalan.

Sa kabila ng mga ulat at batikos hinggil sa nasabing pergalan, dedma lang daw ang maintainer nito na isang “MYSTICA” na siyang may malaks na koneksiyon daw sa mga ilan opisyal ng Quezon city.

Milyon din daw ang naglalaong pera dito sa pergalang ito na bukas araw at gabi sa loob ng 24 oras na tuloy-tuloy at walang bulabog. Kadalasan nga daw ay inaabot ito hanggang umaga segun kung meron pang puntos na tumataya.

Malamang na positibo nga ang sinasabi ng ating inpormante na milyon nga ang naglalarong pera dito dahil sa sandamakmak ang mga puntos na naglalaro na halos magkapalit-palit na ng mga mukha.

Take note… walang ibang tinatayaan dito kundi apat na mesa ng color game, tatlong mesa ng roleta at binggo na tila front lamang.